Sunday, October 14, 2007

Rufa Mae, mahal pa rin si Erik!

Sa mga panayam kay Rufa Mae Quinto ay nababanggit nito na tila may chance na magkabalikan sila ni Erik Santos, pero kay Erik aniya dapat manggaling ang effort. "Actually, pinagplanuhan na namim dati na mag-usap kami. Kaya lang, hindi natutuloy, ewan ko kung bakit. "Kasi, hindi mag-meet ‘yung mga schedule namin para makapag-usap. Dati, naghahanap ako ng chance na magkausap kami, kaya lang parang laging walang time," reaksyon ni Erik sa posibilidad ng balikan nila ng ex-girlfriend.

Mahal pa ba niya si Rufa Mae? "Oo naman. Hindi naman ganu’n kadaling mawala ‘yun, eh!" sagot ng singer. "‘Pag meron kayong magandang pinagsamahan ng isang tao, hindi ganu’n kadaling mabura ‘yung nararamdaman n’yo sa isa’t isa. "Kasi, I may say na kahit one year lang ang pinagsamahan namin, maraming magagandang bagay akong natutunan sa kanya. And I hope, marami rin siyang natutunan sa akin."

May mga gusto ba siyang mabago kay Rufa Mae bago niya ito mahalin ulit? "Hindi naman ako naghahanap sa kanya ng kahit na ano. Kung sino siya, eh buong puso kong tinatanggap ‘yon.

Kaya lang, may mga bagay lang na hindi namin pinagkakasunduan. Kaya napag-aawayan namin kahit maliliit na bagay. "Pero para makakita ako ng bagong Rufa Mae, walang gano’n. Kasi, in the first place, minahal ko siya nang ganu’n siya. "Hindi ko hinahanap ‘yung mga gusto kong mangyari sa kanya, kasi iba naman ‘yung personalidad niya," paliwanag ng singer, na may solo concert sa Big Dome sa Oktubre 19 na pinamagatang Erik Santos Solo at the Coliseum.

Ni Allan Diones

No comments: