Wednesday, October 17, 2007

‘Ouija’ sinabotahe na naman

They come in three’s. Muling naunahan ng pagbebenta ng mga video ng Ouija ang naka-schedule na Ouija premiere over the weekend sa Los Angeles, CA kaya hindi na natuloy ito.
Itinuloy na lang ang Love Speak show nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo with Jason Abalos at Edgar Allan Guzman.

Second time na ito nangyari. Di ba, two months ago, ‘nasabotahe’ rin ang premiere nights na dadaluhan sana nina Juday at Jolina Magdangal? Pero ganyan din at hindi na lang sila natuloy.
Nakausap namin ang pangkat nang nasa airport sila for Carson City kung saan may show sila sa Carson Civic Center last Monday.

Nalaman namin through Ka Alfie mismo na muling nasabotahe ang kanilang isa pang Ouija premiere night sa Jersey City sa Sabado (Oct. 20). Kaya ang Love Speak concert na lang ang ipalalabas sa Loews Theater nina Juday, Ryan and company. Nakatakda silang nasa Manila sa Oct. 24.

***

Dahil tinatapos pa ni Kristine Hermosa ang Enteng Kabisote commitments niya at nagte-taping din siya ng kanyang soap na Prinsesa ng Banyera, usad-pagong ang siyuting ng pelikula nila nina Toni Gonzaga at Sam Milby.

Cool lang ang bagong director na si Jade Castro dahil alam daw niya na sa Valentine season ang playdate ng pelikula. That’s five months away and Jade has all the time para sa kanyang big break, ang Big Love.

In case hindi pa ninyo kilala si Jade Castro, siya ang director ng digital film na Endo na jury prize ng 2007 Cinemalaya at nagpanalo kay Ina Feleo ng best actress.

***

Ikukuwento namin ang karanasan namin sa isang beteranang aktres. Tinawagan kami ng kaibigan niyang director. Bagong dating lang mula US ang aktres at baka type naming interbyuhin. Dahil kilala namin ito, tinext namin. Ang konting mga tanong. Excited kaming mag-text sa aktres dahil matagal nang wala kaming balita tungkol sa kanya. At isang premyadong aktres siya noon .

Nabigla ako na hindi siya interesadong mainterbyu at ayaw niyang pag-usapan kung saan siya nanggaling. "Bakit ka kumontak? Gusto ko, pelikula. O kahit sa telebisyon," ang nakabibigla niyang text message.

Nag-decide ako na huwag na lang sumagot. May text message muli: "Hindi ka na sumagot dahil wala kang maibibigay sa akin, pelikula man o soap. Napakasakit, Kuya Billy." Nabalitaan ko na may pelikula na siya, bigay ng director na friend niya. Mahirap siguro ang buhay niya sa US, ano?

Ni Billy Balbastro

No comments: