Tatlong araw pa lamang na nakakauwi si Melanie Marquez mula sa pagbabakasyon kasama ang kanyang pamilya sa rancho ng kanyang asawa pero, sabak na agad siya sa trabaho. Una niyang ginawa ay gumupit ng ribbon to officially open Psalmstre Health & Beauty Center (PHBC), ikalawang branch ng isang spa ang beauty center na pag-aari ni Jaime Acosta, may-ari rin ng Psalmstre, gumagawa ng mga produkto ng New Placenta, endorsed by Melanie, Olive C, endorsed by Lovi Poe at marami pang anti-ageing and beauty products. Kasamang nag-ribbon cutting ni Melanie si 2006 Miss Earth Hil Hernandez from Chile, 2006 Ms. Earth-Fire Catherine Untalan at ang bet natin for this year’s Miss Earth 2007 international pageant, Jean Harn.
Ang PHBC ay mayro’ng state of the art medical equipment at mga well-trained staff na pinamumunuan ng dalawang in-house consultants, Maria Ellery Mende, isang US trained dermatologist at Dietmar Rummel, German natural medicine doctor. Lahat ng beauty products na gagamitin sa center ay produkto ng Psalmstre (soap, moisturizing cream at toner.
Kahit pagod pa at may jet lag, masayang nakihalubilo si Melanie sa mga bisita. Sa isang panayam, sinabi nito na “Gustung-gusto ko nang maging director, sa pelikula man o sa TV. Siguro kung hindi ako naging artista, naging director naman ako, tulad ng aking ama (Artemio Marquez). Gusto kong unang idirek ang aking anak, si Manuelito,” ani Melanie.
Ni Veronica R. Samio
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment