Sunday, October 14, 2007

Aktor at modelo, nag-away dahil sa lalaki

Natsismis noon na magdyowa ang isang kilalang aktor (na galing sa kilalang showbiz clan at nagsimula bilang modelo) at isang dating kilalang male model na bumigay na rin.

Ayon sa aming kaibigan, hindi ito totoo. Sa halip na nagmahalan, nagngitngit ang aktor at modelo sa isa’t isa dahil sa isang napakagwapong lalaki. Kapag nagkikita ang aktor at ang modelo sa kanilang mga ramp show, nag-iirapan sila. Kapag nagkita ang dalawa sa isang bar o party, nagwu-walk out ang isa. May karapatang magalit si modelo sa aktor.

Inahas ni aktor ang napakagwapong lalaki kay modelo. Alam ni aktor na may namumuo nang bonding sa modelo at sa lalaki pero sumingit pa si aktor. Magaling sa boka si aktor dala na rin ng pagiging showbiz niya. Mula noon, naging mainit na ang ulo ni modelo kay aktor. Kapag nababanggit ang pangalan ni aktor sa usapan, ipinangangalandakan ni modelo na inagawan siya ni aktor ng lalaki.

Noong panahong iyon, tago ang pagiging bakla ni aktor. Kahit ngayon, hindi pa rin inaamin ni aktor sa publiko na bading siya. Tumagal nang maraming taon ang gusot ng aktor at modelo.
Dala na rin siguro ng panahon at pagma-mature, nang magkita minsan ang dalawa ay nagkaayos sila.

Ni Rey Pumaloy

No comments: