Sunday, October 14, 2007

Aktres, nagdudusa sa hininga ng asawa

Hindi maligaya ang aktres sa piling ng kanyang mayamang asawa dahil may amoy ang hininga nito. May nakapagsabi sa aktres na incurable na ang chronic halitosis ng mister niya kaya araw-araw ang kanyang pagdurusa. Wala raw epekto sa asawa ng aktres ang madalas na paggamit nito ng mouth wash.

Kilala sa pagiging mayaman ang lalaki pero walang magawa ang kanyang kayamanan para magamot ang sakit niya sa hininga.

***

Nasa Pilipinas na ang movie director na si Yam Laranas at iilan lamang yata ang nakakaalam na bumalik na siya sa bansa. Nang matapos ang shooting ng The Echo sa New York, bumalik kaagad ng Pilipinas si Yam dahil miss na miss na niya ang kanyang pamilya, lalo na ang anak na si Elki na nag-celebrate ng 3rd birthday noong October 10, 2007.

Malaking karangalan para sa ating bansa na magkaroon ng isang Filipino director sa Hollywood kaya nararapat lamang na bigyan si Yam ng pagpapahalaga ng ating mga kababayan.
Wala bang local talk show na interesadong interbyuhin si Yam tungkol sa mga karanasan niya bilang direktor sa Hollywood?

***

Tungkol sa mga sex video scandal ang kuwento ng pelikulang RoXXXanne ni Jun Lana. Kung mabilis ang pick-up ng manonood, madali nilang mahuhulaan ang katauhan ni Cholo, ang aktor na may sex video scandal na pinag-uusapan sa pelikula ng mga karakter nina Marlon (Jay Aquitania ) at Jonas (Janvier Daily).

Si Sheree ang gumanap na RoXXXanne pero si Jay ang tunay na bida ng pelikula dahil sa kanya umiikot ang kuwento.

Ni Jojo Gabinete

No comments: