Wednesday, October 17, 2007

John Lloyd at gf, sobrang sweet

Nagbantay ako kahapon sa pictorial ng Kisses & Co. na ine-endorse ni Ruffa Gutierrez.
Dumalaw sa pictorial ang girlfriend ni John Lloyd Cruz na si Liz Uy. Magkaibigan kasi ang dalaga at si Ruffa. Tsika-tsika ako kay Liz at napag-usapan namin ang tungkol sa pagda-diet ko.
Nabanggit ni Liz na malakas siyang kumain pero dahil sa dami ng trabaho niya bilang stylist/fashion editor ay hindi siya tumataba.

Sabi ko naman sa kanya, kaya siguro name-maintain niya ang kanyang to die for na figure ay dahil sa "pressure" ng pagkakaroon ng sikat na young actor for a boyfriend.
Natawa lang si Liz sa biro ko.

Oo nga pala, may nagkuwento sa akin na sobrang sweet sina Liz at John Lloyd noong debut ng younger sister ng una. Mukhang belong na belong na si John Lloyd sa pamilya ni Liz.

***

Kahapon din ay nagkausap kami ni Becky Aguila, manager ni Angel Locsin. Napag-usapan namin ang nalathala kahapon dito sa Abante TONITE kaugnay kay Lawrence Leuterio na make-up artist sa pictorial ng coffeetable book ni Jun de Leon. Ayon kay Tita Becky, isiningit lang sa pictorial ni Angel ng Lobo (working title ng teleserye nila ni Piolo Pascual sa ABS-CBN 2) ang pictorial na ‘yon.

Sa studio rin daw kasi ni Jun ang pictorial. May make-up artist na raw sa si Angel sa pictorial ng Lobo, si Krist Bansuelo. "Since singit nga lang ‘yon sa pictorial ng Lobo, pinakiusapan ko na si Krist na siya na rin ang mag-retouch sa make-up ni Angel para sa coffeetable book ni Jun.
"Hindi kasi ako in-inform ng editor ng coffeetable book na may make-up artist silang kinuha para mag-make-up kay Angel. "Iyung sa coffeetable book kasi, dalawang lay-out lang ‘yon, so, pinakiusapan ko na si Krist. "Noong sabihin sa akin na nandoon din si Lawrence, tinawagan ko ang P.A. ko at ipinakausap sa akin si Lawrence and I explained to him.

"Okey naman. Eh si Angel, nag-effort siyang lapitan si Lawrence para huwag sumama ang loob sa kanya. "Pero ‘yun nga, nag-dialogue ng ganoon si Lawrence, kaya naiyak si Angel. "Ako naman, ayokong sisihin si Lawrence. Wala naman siyang mali. Ayoko ring sabihin na fault ni Joceline (coffeetable book editor) ‘yon. Nagkulang lang si Joceline ng information sa akin.
"Hindi niya sinabi na may kinuha siyang make-up artist. "Nang kausapin ko si Joceline, she told me na kakausapin niya si Lawrence. Sana lang, maging maayos ito. "Nahihiya rin kami kay Lawrence dahil talaga namang kilala at magaling na make-up artist ‘yung tao," paliwanag ni Tita Becky.

Umaasa si Tita Becky na hindi na lalaki ang intrigang ito tungkol kina Angel at Lawrence.
Anyway, pagdating sa alaga niyang si Jennylyn Mercado ay ayaw magkomento ng kahit na ano ni Tita Becky. Umaasa siyang matatapos din ang intriga sa kanilang dalawa. Pati ‘yung dialogue ni Jennylyn na nag-aartista na rin siya ay ayaw sagutin ni Tita.

Ni Jun Lalin

No comments: