Wednesday, October 17, 2007

Tuloy ang pagpasok sa PBB: Ethel Booba nagbago ang isip

Kinumpira ng isang hosts ng Eat Bulaga na kaya nawala sa show si Cindy Kurleto ay dahil magre-relocate sa Peru kasama ang foreigner boyfriend. Dapat daw, ang bf lang nito ang aalis, pero hindi yata matiis ng dalawa na magkahiwa­lay ng matagal, kaya ang desisyon ay pareho silang umalis.

Nasa bansa pa sina Cindy at ang boyfriend nito at sabay na silang aalis, pero nag-resign na ito sa Eat Bulaga, kaya hindi na napapanood. Matagal ding namalagi sa bansa ang dalaga at kahit papaano, mami-miss nito ang ‘Pinas.

***

Nagbago na naman ang isip ni Ethel Booba at gusto na namang sumali sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2. In fact, this Wednesday na siya papasok sa Bahay Ni Kuya and hopefully, hindi na uli ito mag-backout at tapusin kung hanggang kailan siya ma-i-eliminate.

Tsika sa amin, nasa bahay lang si Ethel mula noong Friday, nagpahinga at nag-isip mabuti and after two days, ready nang sumabak sa PBBCE 2. It turned out, hindi lang ang boyfriend na si Janvier Daily ang problema nito, pati na ang kapatid na si Boobita na gusto munang makausap bago siya pumasok sa Bahay Ni Kuya at may isyu silang dapat linawin.

Hindi masasayang kung ganun ang hirap ng staff sa paghahanda sa pagpasok ni Ethel sa Bahay Ni Kuya gaya ng pictorial, immersion at medical and physical exams dahil magagamit pa rin niya ang mga ito ngayong kasama na siya sa housemates.

No comments: