Tuesday, October 16, 2007

Ara, nire-request na kumanta ng ‘Lupang Hinirang’

Dahil ako ang direktor ng Not Just Duet sa Zirkoh Timog sa Sabado at isa sa performers namin ay si Ara Mina, may mga nag-suggest sa akin na bago magsimula ang show ay pakantahin namin ang dalaga ng national anthem. Gusto raw kasi nilang marinig ang version ni Ara ng Lupang Hinirang.

Marami rin kasing mga nagmamahal kay Ara ang nanghihinayang at hindi siya natuloy na kumanta ng national anthem noong Will to Win fight nina Manny Pacquiao at Marco Antonio Barrera.

Hindi ko pa nakakausap si Ara tungkol sa mungkahing ito ng mga manonood ng Not Just Duet sa Sabado

***

May nagbulong sa akin na may mga naaartehan kay Marian sa set ng Desperadas, pero ayon sa co-star niyang si Ruffa Gutierrez, okey ang dalaga. "Bumabati sa akin si Marian and she’s nice, kaya hindi ako maka-relate sa mga ganyang intriga sa kanya. "Siguro ‘yung iba, akala ganoon siya dahil hindi masyadong palakibo si Marian. Siguro, nahihiya lang ‘yung tao," pagtatanggol ni Ruffa sa kanyang Desperadas co-star.

Anyway, ayon sa manager ni Marian, si Popoy Caritativo, wala sa image ng kanyang alaga na maging isnabera. Lalong hindi raw lumalaki ang ulo ni Marian, dahil sa tagumpay ng Marimar.
Ako naman ay naniniwalang may nang-iintriga lang sa dalaga.

Ang payo na lang namin kay Marian, mag-extra effort na lang siya sa pagpi-PR sa mga taong nakakatrabaho niya, para hindi na siya naiintriga pa na lumaki na ang kanyang ulo.

Ni Jun Lalin

No comments: