Sunday, October 14, 2007

Jennica Garcia, ayaw mag-debut dahil ayaw mag-gown!

Sa December 26 pa ang debut ni Jennica Garcia, pero ngayon pa lang, humihingi na siya ng regalo sa kanyang fans. Ito’y ang suportahan ang Hide and Seek, ang launching movie nila ni Mart Escudero sa Regal. Gusto niyang kumita ang pelikula para matuwa si Mother Lily at hindi magsisi sa pagbibigay sa kanila ng pelikula.

Kung si Jennica ang masu­sunod, walang party sa kanyang debut dahil ayaw niyang mag-gown, ayaw ng cotillion, ayaw ng senti mood at ayaw umiyak. Kung pa­payagan ni Jean Garcia, gusto nitong sumama sa amang mag-mission trip sa isang tribe sa Benguet. Four days tatagal ang trip at sana raw, wala siyang trabaho sa araw na ‘yun.

Bago pala ang regular showing ng Hide and Seek sa October 31, may premiere night ito sa Oct. 28 sa SM Megamall. Halloween treat ito ng Regal at tiyak na matata­kot ang moviegoers. Mula ito sa script ni Gina Marissa Tagasa sa di­reksyon ni Rayhan Carlos.

Ni Nitz Miralles

No comments: