Saturday, October 13, 2007

Vic Sotto bumilib kay Kristine Hermosa!

Bumilib si Vic Sotto sa pagiging professional ng leading lady niya sa Enteng Kabisote 4 na si Kristine Hermosa.

Kuwento ni Bossing, galing sa shooting nila ng EK4 sa Cavite si Kristine nu’ng Oktubre 7 nang aksidenteng mabangga ng sinasakyan nitong Hyundai SUV ang isang motorsiklo sa Maragondon, Cavite.

Maaga raw nagsimula ang shooting nila nu’ng araw na ‘yon at nagpaalam si Kristine nu’ng tanghali para pumunta sa promo ng Prinsesa ng Banyera sa TriNoma sa QC. Kasabay nitong umalis ng set si Joey de Leon na kinunan nu’ng araw na ‘yon ang special cameo appearance sa EK4.

Tama ‘yung napabalita na sabay umalis ng set sina Kristine at Joey pero hindi na nagawang saklolohan ni Joey ang aktres nang maganap ang aksidente, dahil nauna ang komedyante at mga six cars away ito kina Kristine kaya wala itong alam sa nangyari.

Natutulog si Kristine nang mabangga ng sasakyan niya ang motorsiklo at nagulat na lang siya paggising niya na nagkakagulo na ang mga tao.

Iniwasan umano ng driver ni Kristine na makasagasa ng maraming tao, kaya sumalpok ito sa nasabing motor.

Tumawag si Kristine sa set nila para humingi ng tulong at agad pinadala ni Bossing sa lugar ng aksidente ang marine commander na nagbabantay sa kanila sa shooting.

Shocked ang aktres, dahil nakita niya ang binatilyong driver ng motorsiklo na nakahandusay sa kalye at halos naliligo sa sariling dugo.

Ayon sa marine commander na sumaklolo kay Kristine ay wakwak ang magkabilang singit ng 16-anyos na bagets kaya bumulwak ang dugo nito matapos humampas at mabali ang manibela ng motor sa harapan nito.

Nadala pa raw ito sa Naic hospital pero hindi rin nagtagal. Ang angkas nitong babae ay nasaktan din pero hindi gaanong napuruhan.

Ang nakalolokah, tulala na nga at umiiyak si Kristine, dahil sa aksidente ay may mga ususero pa raw na nagagalit dahil hindi sila pinapansin ng aktres.

Awang-awa si Bossing kay Tintin, kaya pinayuhan niya itong umuwi na lang ng bahay at magpahinga. Bandang 10:00 PM ay bumalik pa ito sa set para tapusin ang kanyang mga eksena kahit namumugto ang mga mata nito sa kaiiyak.

May mga night effect pa kasi silang kukunan at tinapos ni Kristine ang shooting hanggang 5:00 AM. Sabi ni Bossing, kung sa kanya nangyari ‘yon ay uuwi na muna siya at saka na ulit magre-report sa shooting. Wala si Kristine nang dumalaw kami sa EK4 set sa Pasig, pero may mga apat na shooting days pa raw ito na puro big scenes.

Si Kristine ay gumaganap bilang si Faye, ang engkantadang misis ni Enteng sa pelikula. Kasama rin sa EK4 sina Oyo Sotto, Aiza Seguerra, Ruby Rodriguez, Jose Manalo at G. Toengi. May special guest roles sina Joey de Leon, Jomari Yllana, Ian de Leon, Ian Veneracion, Peque Gallaga, Candy Pangilinan at Francine Prieto. alan diones

Pacquiao, may welcome party sa ‘SOP’

May malaking selebrasyon bukas sa S.O.P. Rules, dahil bibigyan nila ng welcome party si Manny Pacquiao.

May farewell party rin sila para kay Billy Crawford, na babalik na sa Amerika sa Miyerkules.
Absent si Ogie Alcasid bukas. Si Manny kaya ang makakasama nina Jaya, Janno Gibbs at Regine Velasquez sa pagkanta?

Anyway, balik-S.O.P. Rules din bukas si Richard Gutierrez, na kagagaling lang sa 10-day vacation sa Amerika.

***
Tinawagan kami ni Mio, ang kaibigan ni Snooky Serna, na tumutulong ngayon sa pamamahala ng career ng actress.

Ibinalita ni Mio na maagang dumating kahapon sa set ng La Vendetta ang kanyang kaibigan cum alaga.

Nauna pa raw sa staff and crew si Snooky. Pakitang gilas?

Anyway, noon din naman sa taping ng Magpakailanman ay nauna rin sa staff and crew si Snooky, pero dahil sa image niya, parang hindi sineseryoso ang mga ganoong effort ng aktres.
Lahat ay may duda palagi na sa simula lang ‘yon at babalik sa dating gawi si Snooky.
Sabi ni Mio, tanggap ni Snooky ang mga ganoong pagdududa sa kanya.

Alam ni Snooky na marami siyang napasakit na mga ulo noon, dahil naging unprofessional siya, pero itong pagbabago for the better niya ngayon ay totohanan na raw.

Ni Jun Lalin

ARA, NAITSA-PUWERA!

Pakiramdam ni Ara Mina ay parang naitsa-puwera siya dahil sa presence nina Manny at Jinkee Pacquiao sa GMA 7.

"I don’t feel I’m Kapuso," sambit ni Ara.

Ang dami raw nagtawagan sa kanya kung pupunta ba siya sa victory party kay Pacquiao, dahil leading lady siya sa pelikula nitong pang-MMFF, pero wala raw nag-imbita sa kanya.

Kinukulit siya ng mga showbiz-oriented talk show para interbyuhin tungkol sa pagdating ni Pacquiao, ngunit ayaw niyang magsalita dahil lagi na lang daw siya ang nagsasalita tungkol sa matagal nang isyung iyun. "Si Pacquiao na lang ang magsalita, ‘no?! Lagi na lang ako ang iniipit sa mga interview. Lagi na lang ako ang nagsasalita, tapos, tahimik lang siya. Dapat siya na ang magsalita dahil hindi naman talaga totoo," dagdag ni Ara. "Alam mo, nasasaktan na talaga ako, dahil parang naniniwala sila lahat. Hindi naman ako magkakaganito kung totoo ang isyu, eh hindi naman eh," humihikbing pahayag ng aktres.

Ang naramdaman lang daw ni Ara, kahit ang GMA 7 ay parang iniiwas siya sa mag-asawang Pacquiao na parang naniniwala pa sa isyu.
"Di ba dapat, pagharapin na kami para malinaw kung totoo ba talaga?" himutok ni Ara.

Sa ngayon ay tahimik na lang si Ara at ayaw na niyang magsalita, dahil tingin niya, wala namang kakampi o maniniwala sa kanya.
Bahala na raw kung itutuloy pa niya ang pelikula niya kay Pacquiao.

***

Si Polo Ravales ay hindi naniniwala sa isyu kina Ara at Pacquiao.
"Hindi gagawin ni Ara iyun. Sa tingin ko, ‘yung mga tao, naninira lang dahil meron silang pelikula. Pero tingin ko naman, kakayanin ni Ara iyan. Easy lang sa kanya ang intriga na iyan," pahayag ng aktor.

Nilinaw na rin pala ni Polo ang isyung sinulot daw niya si Rizza Santos kay Mark Bautista.
Itinatanggi ni Polo na nanliligaw siya kay Rizza. Kaibigan daw ito ng kapatid niyang si Ashley Gruenberg, kaya nakakasama nila itong lumalabas. "Never naman akong nanulot. ‘Di ko alam na nagdi-date sila (Mark at Rizza). Alam ko, magkakilala lang sila. "Di ko naman kasalanan kung sumasama si Rizza sa kapatid ko at madalas nagkikita kami. ‘Di ko naman siya nililigawan," sagot ni Polo tungkol sa isyung iyan.

Ang pagkakaalam din niya, kasali si Rizza sa ikalawang Celebrity Edition ng Pinoy Big Brother.

Ni Abu Tilamzik

Gretchen Barretto Scanalous Picture - Again!

Isa pala si Gretchen Barretto sa talent ng Backroom, Inc ni Boy Abunda at aware siya sa mga naglabasang scandalous pictures na na­man ng aktres sa in­ter­net kasama ang hindi ki­lalang lalaki na kuma­kain sa isang restaurant at panay ang bulungan.

Ayon mismo kay Boy ay, “Oo nga, eh. Hindi na natapos, actually, ad campaign ‘yan ng sham­poo commercial ni Gret­chen, so hindi ko na kon­trolado ‘yun because it’s the ad agency who’s respon­sible for it.” es­plika sa amin ng TV host at endorser ng Nikon Home Appliances.

Nabanggit namin na hindi kaya makasama na naman ito sa imahe ni Gretchen at ano na na­man kaya ang reaksyon dito ng live-in partner niyang si Tony Boy Cojuangco?
“I don’t know, bahala sila d’yan, hindi ko rin alam ‘yun. Well, siguro maiintindihan na naman siguro ni Tony Boy ‘yun, ad campaign naman ‘yun,” dagdag katwiran pa.

Samantala, natawa kami kay Boy da­hil lag­pas na sa bilang ng mga daliri niya sa ka­ may at paa ang mga produktong ini-endorso niya at latest nga ang Nikon Home Appliance at aminado siyang blessings lahat iyon dahil hindi na raw ganu’n kahigpit ngayon ang mga ad agency na kumukuha ng serbisyo niya gayun alam kung ano ang sexual preference niya.
“Before kasi, medyo mahigpit sila sa personalidad ng tao sa pag-endorse ng produkto, now, nawala na ‘yung ganu’n connotation, so I’m blessed talaga,” masayang esplika sa amin ni Boy.
Kaya ang ipamimigay daw niya sa mga mamamasko sa kanya ay mga produktong iniendorso niya.

Ni Regge Bonoan

Nag-date sa sine sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa

Paano kaya maitatanggi na na­ man nina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa na nakitang nanood sila ng sine sa Glorietta 4 last Tuesday night?

Ang taong nakakita sa kanila ay may kunek­ syon sa dalawa na kaibi­gan din namin kaya’t na­niniwala kami sa tsikang ito.

Nakasisiguro kami na aaminin ng Prinsesa Ng Banyera na totoong lumalabas sila ni Oyo Boy, pero hindi niya aaminin ang relasyon dahil kesyo mahal pa niya si Diether Ocampo.
E, mahal pala, bakit na­kikipag-date na siya sa ibang lalaki?

Ayaw din naming isiping promo ito para sa Enteng Kabisote dahil magkasama sina Kris­tine at Oyo pero bakit sa last full show na sila nanood, so ibig sabihin ay itinatago nila ang pagdi-date nilang ito?

Anyway, tutal hindi naman namamatay ang tsikang may namu­muong relasyon kina Oyo at Tintin, bakit hindi na lang sila bigyan ng show sa Dos para naman magkaroon ng saysay ang relasyon nila?


Ni

Apat Dapat, Dapat Apat - Pinipilahan pa rin!

Hanggang ngayon pala ay pinipilahan pa rin ang pelikulang Apat Dapat, Dapat Apat starring Rufa Mae Quinto, Eugene Do­mingo, Pok­wang and Can­dy Pangilinan un­der the direction of Wenn Deramas.

Bukod kasi sa naka­katawa ang mga ekse­na, may sense ang story at siguradong maraming naka-relate na OFW na sa HongKong nagsa­sak­ripisyo sa kanilang pamilya dito sa Pilipinas. Hindi corny ang movie at mas nakakaiyak pa nga eh. Naalala ko, sabi ni Pokwang wala silang permit to shoot sa Hongkong.

Pero parang ang labong pani­walaan ha. Ang ganda ng mga ek­sena nila at papansinin mo ang ginagawa nila. Sabi rin nila, nag­mamadali sila sa shooting. Parang ang tagal nilang nag-shooting. But anyway, panoorin n’yo na lang ang movie dahil pinipilahan pa rin ito at balitang P9 million ang kinita nang mag-open sa sinehan last Wed­nesday.

Asawa ni Pacman, nawiwiling bumili ng alahas

Kay tita Annabelle Rama pala ngayon namimili ng alahas ang asawa ng pambansang kamao na si Manny Pacquiao. Ayon sa source, suking-suki raw ng nanay ni Ruffa si Mrs. Jinky Pacquiao.
Kaya naman during Manny’s fight sa Las Vegas, present ang mag-asawang Annabelle at Eddie Gutierrez. Kaya kung mapapansin n’yo raw sobrang lalaki ngayon ng diamonds na kumikinang ni Mrs. Pacquiao.

Ni Salve V. Asis

Di lang ang mga Manilenyo ang galit kay Pacquiao kundi lalo na si Korina Sanchez

Kahapon nang uma­ga ay kumawala ang emosyon ng premya­ dong news anchor na si Korina Sanchez sa kanilang programa ni Ted Failon sa DZMM. Highblood si Ate Koring, tahasan niyang sinabi na totoong si Pacman ang pinakamagaling na bok­singerong nadis­kubre ng Pilipinas, pero si Manny Pacquiao din ang pina­kamayabang at pinaka­maangas na boksinge­rong nagka­roon ang bansang ito.

May pinagmulan ang komentarista, bi­nalikan niya ang mga araw na pi­nilit brasuhin ni Pacman ang isang network para alisan ng trabaho ang isang re­porter, hindi raw nagus­tuhan ng boksi­ngero ang report nito tungkol sa kandidatura ng People’s Champion nung nakaraang elek­syon.

Ayon kay Ate Koring ay kinausap ni Manny ang ehekutibo ng is­tasyon, isinumbong ang mga ginawa sa kanya ng reporter, na umabot sa pagtatangka ni Manny na tanggalan ng trabaho ang nasabing reporter.
“At alam mo ba, Ted, ang sabi pa ni Manny, eh, palagi raw niyang pinagbibigyan ang re­porter na yun para sa interview, pero binibira pa siya, teka muna!
“Hindi niya dapat isumbat yun sa repor­ter, dahil nagkatulungan lang naman sila. Hindi niya dapat sabihing may utang na loob sa kanya ang reporter na yun, dahil kung tutu­usin, eh, siya pa nga ang dapat magpasala­mat, dahil gumanda ang imahe niya!” ma­diing sabi pa ni Korina.

Napakaraming tu­ma­wag sa amin nang dahil dun, tinatanong kami ng ating mga ka­babayan kung sino ang reporter-komentaris­tang pinag­tang­kaan alisan ng tra­baho ni Pacman, sino raw ba ang taong tinutu­koy ni Korina?

Alam namin ang ka­buuang kwento nun dahil parehong malapit sa amin sina Manny at Ko­rina, pero kahit min­san ay hindi namin ini­labas yun sa alinmang kolum namin, pero dahil nabuk­san na ang paksa ay pwede na naming paki­alaman ang isyu.
Ang reporter-ko­men­taristang tinutukoy ni Korina na pinagtang­kaang ipatanggal sa trabaho ni Pacman ay siya mismo, si Korina Sanchez, kaya niya nasabing si Pacman ang pinakamayabang na boksingerong natuk­lasan ng bansang ito.

Tinawagan na kami nina Manny at Jake Joson nung Huwebes nang hapon para mag­paliwanag ng kanilang panig tungkol sa hindi pagsipot ni Pacman sa selebrasyong ihinanda ng pamahalaang lun­gsod ng Maynila.
Ayon sa kanila ay nakarating ang imbitas­yon sa kanila nung ta­pos na ang laban, hindi na raw maaring isingit pa yun sa kanilang inti­nerary, dahil ang Mala­caƱang ang nag-ayos sa kanilang iskedyul.

Dapat nga raw sa­na’y Biyernes nang mada­ling-araw pa ang kani­lang uwi mula sa Las Vegas, pero kinaila­ngan nilang gawing Huwebes yun, dahil aalis daw si PGMA kahapon.
Ayon kay Manny ay walang halong pulitika ang nangyari, matagal na raw nilang plano na ang presscon niya ay gag­anapin sa opisina ng DENR, kung saan si dating Mayor Lito Atien­za ang tagapa­muno.
Hindi rin daw siya pwedeng pumunta dun pagkatapos ng press­con dahil meron pa siyang guesting sa Sis, meron pa siyang ka­ilangang daluhang pag­titipon sa Brent School para sa kanyang mga anak at meron pa raw party para sa kanilang anak na si Princess.

Inuunawa namin ang paliwanag ng kam­po ni Pacman, pero kailangan din naming unawain ang emosyon ng mga Mani­lenyo, lalo na ang mga taong naglaan ng oras para buuin ang dapat sana’y hero’s welcome para sa kanya.

Hanggang ngayon ay negatibo pa rin ang da­ting ni Manny sa ating mga kababayan, lalo na sa mga Mani­lenyo, dahil kinilala raw siyang adopted son ng Maynila at hindi naman adopted son lang ni dating Mayor Lito Atien­za.

Matatagalan pa bago humupa ang is­yung ito, nakalulungkot lang isipin na hindi ang pagtata­gumpay ni Pac­man ang nasentruhan ng publiko, kundi ang lantaran niyang hindi pagbibigay-halaga sa ginawa para sa kanya ng kampo ni Mayor Alfredo Lim.

Sabi pa ng mga text­ers naming, “Dara­ting din ang araw ng pagka­talo ni Pacman, pero ang May­ nila, laging nandito lang. Huwag siyang maya­bang, natuto lang siya ng carabao English, eh, ang hambog-ham­bog na niya!” sabi pa ng ating mga kababayang Ma­nilenyo.
Nakapanghihinayang na tagumpay.


Ni Cristy Fermin

Angel, Piolo nag-retreat sa Antipolo!

Dumalaw sa akin si Ela Colmenares at ma­rami kaming napag­kwentuhan tungkol kay Angel Locsin. Sinabi nito na bago pala mag­simula ang taping ng La Loba Blanca kung saan magkapareha ang kanyang kapatid at si Piolo Pascual ay nag-retreat muna sila sa Antipolo kasama ang ibang mga kasa­mahang artista. Layu­nin nito ay para mag­karoon ng bonding ang lahat ng kasama sa teleserye at maging maganda ang kanilang working relationship.
By Emy Abuan-Bautista

Vic Sotto, Dolphy movie tuloy na!

Mukhang lalabas na pinaka-magandang ka­banata ng Enteng Ka­bisote itong ginaga­wa ngayon para sa MMFFP ‘07. Bagaman kasi at ma­rami ring aksyon sa nasabing movie, may heart ito dahil magba­balik ta­naw sa mga unang taon ni En­teng Kabi­sote, nung bago pa la­mang sila namu­mu­hay bilang mag-asawa ni Faye (Kris­tine Hermosa nga­yon) at maliit na bata pa si Aiza Se­guerra. Nawawala kasi ang memorya ni Enteng sa latest episode.

Ayaw ni Vic Sotto sabihin kung magkano na ang budget ng ika­apat na episode ng Enteng Kabisote. Si­nabi lang niya na “Mas mahal ito kesa sa Enteng last year na may budget na P40M.”

Ang finale scene ay ma­ga­ga­nap sa lung­sod, sa pagitan ng nag­tata­asang mga gusali. Ma­ku­kwen­ta n’yo na kung magiging ga­ano kama­hal ang pelikula na mag­tatampok sa mga ba­gong kalaban ni Enteng tulad ng mag­kapatid na Ian at Ken­neth de Leon, Ian Ve­ne­ra­cion at si Fran­cine Prieto na pinalitan na si Bing Loy­zaga bilang major kon­trabida ni Enteng.
Pagkatapos ng En­teng Kabisote 4 ay ma­lamang na isu­nod na ni Vic ang shoot­ing ng pe­likulang pagsa­sa­mahan nila ni Dol­phy. Pag­tutulungan ito ng MZET, MPT at RVQ Product­ions. Kung suswertihen ay baka sina Pia Guanio at Zsazsa Padilla ang makatambal nilang da­lawa for a May play­date.

By Veronica R. Samio