Monday, October 15, 2007

Bianca, lumuha sa sampal ni Marian

Kahapon sa backstage ng S.O.P. Rules ay nakatsikahan ko si Bianca at nilinaw niyang hindi siya galit kay Marian. Okey na okey na raw silang dalawa at wala na siyang sama ng loob tungkol sa pagkakaroon niya ng pasa sa mukha bunga ng sampalan scene nila ni Marian.
"We’re okey," paliwanag ni Bianca.

Gusto lang linawin ni Bianca ‘yung nasulat na first time niyang napasabak sa ganoong klase ng eksena, kaya hindi siya sanay. "Marami na akong sampalan scenes na nagawa. Minsan nga, si Ms. Cherry Pie (Picache) pa ang sumampal sa akin. "Pero first time lang na ganoon katindi ang pagkakasampal sa akin, kaya napaiyak ako.

"Gumawa ako ng sulat sa GMA 7 management dahil ‘yon ang advice sa akin ng father ko.
"Para maging malinaw rin ang lahat. Kasi, kung anu-ano na ‘yung naglalabasan. Para lang maayos at hindi magkaroon ng isyu. "Eh, nagkausap na kami ni Marian at okey kaming dalawa," sabi ni Bianca. Nilinaw rin ni Bianca na walang kinalaman ang kontrobersyang ‘yon kaya pinatay na ang character niya sa Marimar. "That same taping day, after ng sampalan scene namin ni Marian, kinunan din ‘yung eksenang namatay ako. "Talagang mamamatay na ‘yung character ko," paglilinaw pa ni Bianca.

Kahit wala na sa Marimar si Bianca, hindi siya mawawala sa Siyete dahil kasama siya sa bagong afternoon drama na My Only Love at ka-triangle siya rito nina Mark Herras at Rhian Ramos.


Ni Jun Lalin

No comments: