Saturday, October 20, 2007

Jean, ayaw munang sumakay sa eroplano

Hanggang sa tinitipa namin ang item na ito kahapon ay hindi pa sigurado kung tuloy ang scheduled pocket presscon para kay Jean Garcia kasama sina Jennica Garcia at Mart Escudero ngayong gabi para sa pelikulang Hide and Seek. Tila hindi pa sure si Mother Lily Monteverde kung tama bang isama si Jean sa presscon nina Jennica at Mart, na siguradong puputaktihin ng tanong si Jean tungkol sa Dinagat Islands incident na hanggang ngayon ay wala pang kalinawan.

Kahit nagsalita na si Jean tungkol sa isyu ay marami pa ring hindi kumbinsido sa kanyang mga paliwanag kaya ang isyung ito ang tiyak na patuloy na kakalkalin ng showbiz press sa aktres.
Nilinaw ni Mother na hindi ito gimik ng Regal o ni Jean dahil natiyempong may ipalalabas na pelikula ang aktres. Biglang naging hot copy si Jean dahil sa insidenteng naganap sa Dinagat Islands na hindi pa ganap na natutuldukan at naghihintay pa ng mga kasagutan.

Obvious na malaki ang naging epekto kay Jean ng nangyari dahil nalaman namin na for the next two years ay iiwasan daw muna nitong magbiyahe na sasakay ng eroplano (international man o domestic). Dahil doon ay tinanggihan ng manager niyang si Manny Valera ang imbitasyon mula sa isang TV network sa Tanzania (isang bansa sa East Africa na katabi ng Kenya, Uganda at Rwanda) na pumunta roon si Jean bilang request ng mga Tanzanian.

Ayon sa nakausap ni Direk Manny na taga-Tanzania, sikat na sikat si Jean sa Tanzanian TV dahil sa teleseryeng Pangako Sa ‘Yo na ipinalalabas sa Africa. Handang gumastos ang Tanzanian network at sagot nila ang airfare at accommodation ni ‘Ms. Claudia Buenavista’ (karakter ni Jean sa PSY) at ng apat nitong kasama, bumisita lang ito nang personal sa naturang African nation.

May isa pang nakaaaliw na dahilan si Direk Manny kung bakit niya ito tinanggihan pero hindi na namin ito isusulat. Hindi man matuloy ang pagharap ni Jean sa showbiz press ngayong gabi ay siguradong hindi rin siya makakaiwas sa mga tanong sa Martes sa presscon ng bagong primetime drama ng GMA na La Vendetta, na isa siya sa mga bida.

***

Isa sa mga aasikasuhin ni Eric Quizon pagpunta niya ng Amerika sa Oktubre 26 ay ang pag-iinterbyu para sa autobiography ng kanyang amang si Dolphy. Ideya ni Eric at ni Mang Dolphy ang pagpa-publish ng libro na ang Comedy King mismo ang magkukuwento tungkol sa kanyang makulay na buhay. Ayon kay Eric, sa Amerika lang ay anim na anak ni Mang Dolphy ang naroon at dalawang nanay ng mga ito.

Siya ang personal na nag-aasikaso ng interviews at research para sa nasabing autobiography na ie-edit ni Bibeth Orteza. Next year ang release ng libro na magkakaroon ng hardbound at paperback edition. Taglish daw ito para mas maunawaan ng masa. Sabi ni Eric, marami silang nakakalap na impormasyon about their dad na ngayon lang nila nalalaman.

Isa itong tell-all book na maglalaman ng lahat ng bagay tungkol sa buhay ng Ace Comedian, kabilang na ang lahat ng babaeng minahal nito. Ani Eric, isa ‘yon sa mga maituturing niyang personal na accomplishment kapag natapos niya ang project na ito. Kasama si Eric sa horror flick na Hide and Seek bilang asawa ni Jean Garcia at stepdad ni Jennica Garcia. Nu’ng 2005 pa huling gumawa ng movie (I Will Survive) si Eric.

Ayon sa actor-director, napanood na niya ang buong pelikula nu’ng mag-dubbing siya at na-impress siya sa trabaho ni Direk Rahyan Carlos. "It’s a well-made movie. At hindi ko sinasabi ito just because I’m part of the movie, huh! I was really impressed. Nakakatakot siya!" sey ni Eric.

Sa Oktubre 28 ang spooky premiere night ng Hide and Seek sa SM Megamall at sa Oktubre 31 ang showing nito.

Ni Allan Diones

Christine, kinilig kay Manoy

Ayaw munang magsalita ni Claudine Barretto tungkol sa panunugod niya sa taong nagkalat diumano ng mga kisscandalous picture nina John Estrada at Gretchen Barretto. Ang sabi ni Gretchen, hindi pa nila napag-usapang magkapatid ito, pero sa palagay ko ay nagkatawagan na sila at napag-usapan na ang insidenteng iyan.

Kasama ni Claudine nu’ng oras na iyun si Raymart Santiago at ilang kaibigan nang nasalubong daw nila sa Savory Restaurant ang lalaking ito kasama ang ina nito. Hindi raw sana napansin ni Claudine, pero ang ikinairita raw ng huli, tiningnan pa raw siya ng ina nitong lalaki mula ulo hanggang paa. Tahimik lang daw si Claudine nu’ng una, pero nang pasakay na raw sila ng kotse, biglang pumuslit si Claudine at sinugod na itong lalaki.

Kaagad umawat si Raymart at mga kasamahan niya at pinapasok ng kotse si Claudine para hindi na lumaki ang gulo. Ipinagtanggol ni Paolo Contis ang kaibigang si Claudine na kung sa kanya rin mangyari iyun, malamang na ganu’n din ang gawin niya.

Mabuti na lang at nandu’n si Raymart na nagpalamig na lang ng ulo ni Claudine.

***

Nag-story conference ang Joaquin Burdado nu’ng Huwebes at dumating si Robin Padilla kasama ang anak na si Kyle na kasama sa seryeng ito. Sa edad na 14 ay bihasa na si Kyle sa Muay Thai at sobrang taas na raw ang belt na suot nito, ayon kay Robin. Proud na proud si Robin sa kanyang mga anak na mukhang mahirap ligawan. Pumayag daw si Robin na mag-artista ang kanyang anak, pero isa sa mga kundisyon ay hindi muna mag-entertain ng manliligaw ang mga ito.

Sa ngayon ay puspusan ang ensayo nila, dahil hindi lang Muay Thai kundi iba pang martial arts ang ipakikita nila sa Joaquin Burdado. Kasabay ng fasting ni Robin sa nakaraang Ramadan, nagpapayat ang aktor, dahil kailangang lean siya rito at maganda ang katawan.

Madalas na nakahubad daw siya para makita ang mga nakaburdang tattoo sa kanyang katawan.
Kailangan pa raw niyang magbura ng tattoo, dahil merong ibang design ng tattoo ang kailangang ilagay sa kanyang katawan. Isinali rin pala ni Robin dito ang anak ni Royette na si Raphael dahil magaling din daw ito sa Muay Thai.

***

Bukod kay Iza Calzado, isa sa mga leading ladies ni Robin sa Burdado ay si Cristine Reyes na excited ding makasama ang aktor. Habang ini-interview namin si Cristine, biglang napatigil siya na parang kinilig nang makita niyang dumaan sa tapat niya si Eddie Garcia. Lalo raw siyang na-excite nang nalaman niyang kasali si Manoy Eddie, dahil sobrang taas daw ng respeto niya sa premyadong aktor.

Katatapos lang ni Cristine ng Green Paradise at tuwang-tuwa raw siya dahil natapos na niya ang pelikula. Nilinaw ni Cristine ang lumabas na isyung binato siya ng monoblock ng Chinese director. Ayon kay Cristine, nakita niyang ibinato ng direktor ang silya dahil sa meron itong gustong shot na hindi makuha ng cameraman.

Perfectionist daw kasi itong direktor na ilang beses daw nilang inuulit ang eksena, hindi makuha-kuha ang gusto nitong shot sa eksena. Sa irita, ibinato na raw ng ditektor ang silya pero hindi naman daw sa kanya o sa cameraman. Hindi rin makalimutan ni Cristine ang sexy scene niyang bakat ang buong katawan na umaahon sa beach.

Inanod daw siya ng malaking alon kaya napalayo siya.

Sisinghap-singhap siyang bumalik ng pampang.

***

Naaawa na raw si Tito Lito Calzado sa anak niyang si Iza na sunud-sunod na projects ang ginagawa. Isa lang sana ang pelikula ni Iza, ‘yung Desperadas, pero isiningit niya ang shooting ng The Echo sa Canada at tinanggap din ang pelikulang Batanes katambal si Ken Zhu ng F4.
Desperada na raw ang ilang tao sa produksyon ng Desperadas.

Merong shooting na napagtagpo na silang apat na bida, na na-pack up naman dahil sampu lang daw ang dumating na extra para sa bonggang wedding scene. Pagkatapos nitong Desperadas at Batanes ay tutuloy na si Iza sa Joaquin Burdado.

Sa susunod na linggo ay may tatanggaping award si Iza sa Marie Claire, pero hindi raw niya ito makukuha nang personal dahil nasa Batanes ang aktres, kaya ang kanyang ama ang tatanggap nito.

Ni Abu Tilamzik

‘Hindi bakla si Sam’ – Anne

Sa piling ng press nag-celebrate ng kanyang 10th anniversary sa showbis at sa Viva Films si Anne Curtis. Natutuwa rin ito’t marami na ang magandang nangyari sa kanyang career mula noong 1997. Kino-consider nitong biggest accomplishment sa kanyang career ang lahat ng pelikula at TV shows na kanyang ginawa pati ang sa GMA-7.

Tuluy-tuloy ang blessings kay Anne dahil kinuha siyang celebrity endorser ng Freeway at noong Huwebes ang launching sa kanya sa Embassy Bar sa The Fort. Sa October 28, may show siya for her fans sa Market! Market!

Sa 10th year niya sa showbis natupad ang dream ni Anne na maka-pareha si Aga Muhlach sa Waiting For Love. Nagti-taping na rin siya ng The Wedding nila nina Derek Ramsey at Zanjoe Marudo at sisimulan ang Book 2 ng Maging Sino Ka Man.

Samantala, hindi naniniwala si Anne na there’s something between Sam Milby and Piolo Pascual at wala rin daw ang binata sa Sofitel Hotel. “Sam is not gay, I should know. I spent time with him at maaamoy mo naman ‘yun at ‘di ako dedma doon. Nagagawa ko siyang asarin sa isyu at natatawa lang siya.

He was not in Sofitel also, because he was in Toni and Guy for a haircut at dumeretso siya sa shooting niya sa Alabang,” pagde­depensa nito kay Sam.

* * *

Ayaw pangunahan ni Marvin Agustin na mali-link sila ni Marian Rivera sa pagpasok niya sa Marimar. Basta natutuwa siyang mapasama sa cast ng telenovela at magkaroon ng chance na makatrabaho ang actress. Gagampanan niya ang role ng stockbroker na si Rodolfo Santa Gines na magkakagusto kay Marimar. Kundi Tuesday, October 23 ay October 24 siya lalabas.

Hindi pa lang namin alam kung guest lang si Marvin na ang ibig sabihin, ilang weeks lang tatagal ang kanyang character o pang matagalan ang labas niya sa telenovela. Sabagay, walang masama kung magkakaligawan sina Marian at Marvin dahil pareho silang single.

Samantala, sa fans ni Marian at viewers ng Marimar sa Bacolod, abangan n’yo siya sa Sunday at makikisaya ito sa Masskara Festival. Hanggang ‘Pinas lang muna puwedeng mag-travel ang actress at ‘di kaya ng kanyang schedule ang lumabas ng bansa. Bukod sa tele-novela, naglalagare pa siya sa shooting ng Desperadas at Bahay Kubo, kaya ‘yung dapat alis niya for Japan sa October 28 para sa GMA Pinoy TV ay next year na itutuloy.

* * *

Kinumusta namin sa mga taga-Sony BMG kung pumirma na ng recording contract sa kanila si KC Concepcion. Negative ang sagot nang kausap namin, pero obvious na may offer sila sa pahabol na sagot na ipapaalam din kapag nakapirma na ito. Hindi nakakagulat kung sa SonyBMG din mag-recording si KC dahil dito rin may record deal ang inang si Sharon Cuneta. Mas magiging madali kung may balak na pagsamahin sila sa isang album kung pareho sila ng recording company.

Ni Nitz Miralles

Jordan Herrera: “Subukin nilang paduguin ang ilong ko ngayon!”

Handang-handa na si Jordan Herrera sa napipinto niyang laban sa boksing against TJ Trinidad sa pagsisimula ng Pinoy Mano Mano, bagong programa ng ABS-CBN, sa Oktubre 27, pagkatapos ng TV Patrol. Kung nung praktis nila ni TJ ay napadugo nito ang kanyang ilong, nangako si Jordan na hinding-hindi na ito mangyayri ngayon. “Araw-araw akong nagpapraktis, dalawang beses isang araw para makondisyon ako, para mapahusay ko ang laban ko.

Natyempuhan lang ako ni TJ nun pero ngayon sisiguruhin ko na hindi na ito mangyayari,” panimula ng actor na isa lamang sa mga celebrities na mapapanood mag-boxing sa Pinoy Mano Mano na iho-host nina Cesar Montano at Bayani Agbayani. Ang iba pa bukod kay TJ ay sina Rico Robles at Rico Barrera, mga PBB alumni, Biboy Ramirez, actor at billiard player, Erik Fructuoso, dating Guwa­ping, Joem Bascon, actor at Michael Roy Jornales, martial artist.

* * *

Ang lahat ng laban ay susubaybayan ng Boxing Association of the Philippines, mga regulasyon din nito ang gagamitin sa lahat ng laban. Mga propesyonal na referree at judges ang huhusga sa mga laban. Para sa kasiyahan ng mga manonod, para hindi sila magsawa’t maumay, tuwing ikalawang linggo, mga komed­yante naman ang maglalaban.

Bawat premyo na mapapanalunan ay magka­karoon ng bahagi ang paboritong charity ng mana­nalo. Tiniyak din ng BAP na ang safety ng lahat ng boksingero ang pangangalagaan nila.
Samantala, nagparating na si Cesar Montano ng kanyang hamon na ma­kalaban sa boksing si Richard Gomez. “Panonoorin ito ng marami, marami ang mai-ins­pire, baka makatulong kami na mailayo sila sa droga at anu­­mang masamang ga­wain,” sabi ni Cesar.

Wala pang sagot mula kay Richard.

* * *
Hindi pa nga nakukubra ni Direk Wenn Deramas ang kanyang bonus na Hongkong trips para sa pelikulang KapagTumibok ang Puso, na pinangu­nahan nina Bong Revilla at Aiai delas Alas, heto at may panibagong bonus trip na naman siya courtesy of Viva Films and Rufa Mae Quinto, co-producers ng Apat Dapat, Dapat Apat na pinipilahan pa sa takilya ngayon.

Hindi pa niya natatapos ang Pasukob starring Aiai delas Alas pero, inihahanda na para isunod niya agad sa Apat Dapat ang remake ng Working Girls with Rufa Mae again, Pokwang, Eugene Domingo, Janelle Jamer, Hilda Koronel, Carmi Martin at Jaya. Isa pa ring Aiai project ang nakatakda niyang gawin, ang Tanging Ina Nyong Lahat kung saan ay magiging pangulo ng bansa si Aiai.

Hindi lamang sa Viva, Star Cinema magdi-direct si Wenn kundi maging sa Octo-Arts. Gagawin niya rito ang My Mr. Housewife, starring Judy Ann Santos & Ryan Agoncillo. Whewwwwww!

Ni Veronica R. Samio

Sinalisihan ng kapatid sa Boyfriend

Kahit naman nung magka-live-in pa ang isang sexy come­dienne at ang isang perso­nalidad na kilala sa larangan nito ay meron nang duda ang seksing komedyante na merong naga­ganap sa pagitan ng kanyang kapatid at ng kanyang boyfriend. Pero kutob lang yun, wala siyang pinang­haha­wakang ebidensiya, gustung-gusto niyang mahuli ang dalawa pero hindi nangyari yun.

Marami nang nagsasabi sa sexy comedienne na mag-ingat sa kanyang kapatid, pero deadma lang siya, dahil ayaw niyang maniwala na ang nakababata niyang kapatid na tinutulungan niya ang mag-aahas pa sa kanya. Sabi ng aming source, “Kapag may out-of-town shows noon si ________ (pangalan ng sexy comedienne), isinasama na niya sa biyahe ang boyfriend niya.

Sinasabi lang niya na wala siyang inspiration kapag nag-iisa lang siya sa malalayong probinsiya, pero ang totoo, iniiwas niya ang puwedeng mangyari sa kapatid niya at ang BF niya.
“Kinukutuban na kasi siya, may mga pagkakataong napapanaginipan pa niyang nagtsutsuktsakan ang dalawa sa mismong harapan niya, kaya talagang binibitbit niya ang boyfriend niya kahit saan,” simula ng aming impormante.

Nung minsang umalis siya para sa isang show ay kinutuban ang comedienne, parang may kung anong nagaganap sa bahay niya na hindi niya maintindihan, kaya bigla siyang umuwi.
“Pagdating niya sa unit niya, naliligo ang boyfriend niya, nandun ang sister niya, pero nung tanungin niya naman ang maid, hindi raw naman pumasok sa bedroom ang kapatid niya. “Ang ending, hinintay niyang makapaligo ang BF niya, saka niya isinama, mahirap nga namang masingitan pa siya ng mismong utol niya!” sabi pa rin ng aming source.

Pero ngayon ay mukhang totoo na ang kuwento, marami nang nakakakita sa kanyang kapatid at sa kanyang ex-boyfriend na palaging magka-date, nagkatotoo na ang tsismis! Ayon sa sexy comedienne ay walang delicadeza ang dalawa, pero ang sagot naman ng kanyang kapatid, “aba, at nagsalita ang merong delicadeza!”

Mabuti na lang at nakakulong na sa isang malaking bahay ngayon ang sexy come­dienne na ito, dahil kung hindi, sigu­radong malaking kom­prontasyon ang maga­ganap nang dahil lang sa isang lalaki.

* * *

May nanggugulo ngayon sa isang aktres sa pamamagitan ng text, walang kapagu­ran ang texter, mula umaga hang­gang gabi ay minu­mura nito ang aktres. Masasakit ang mga salitang ipinakakain ng texter sa aktres, nandung tawagin siyang pokpok nito, nandiyang homewrecker daw siya, at kung anu-ano pang mga salita na tumutukoy sa pang-aagaw ng karelasyon ng may karelasyon.

Alam na ng aktres kung sino ang nanggugulo sa kanya, yun ay isang babaeng insecure, dahil naniniwala ito na karelasyon niya ang mister ng nasabing texter. Hindi sinasagot ng aktres ang mga mensahe ng mahiwagang babae, sayang daw kasi ang kanyang oras, hindi raw siya katulad ng texter na walang ginagawa at naghihintay lang ng biyaya mula sa asawa nito.

Ay, ay, ay! Ang pag-ibig nga naman.

* * *

Kalat na ang balita, malapit nang ipasa ng Konseho ng Maynila ang isang resolusyon na bumabawi kay Manny Pacquiao ng titulo bilang adopted son ng lungsod, nasaktan pati ang mga dating kaalyado ni dating Mayor Lito Atienza sa ipinakitang pambabalewala ni Pacman sa inihanda nilang hero’s welcome para sa boksingero.

Si Konsehal Abel Viceo ng District 2 ng Maynila ang sponsor ng resolusyon, tulad ng iba pa niyang mga kasamahan ay hindi niya nagustuhan ang pang-iisnab na ginawa ni Manny sa kanila, samantalang adopted son ng lungsod itong naturingan at hindi naman adopted son lang ni dating Mayor Atienza. “Iisa lang po ang saloobin naming lahat, hindi maganda ang ginawa niya, kaya kung walang halaga para sa kanya ang aming lungsod at ang mamamayan ng Maynila, kailangang magkaroon siya ng leksiyon,” sabi ng magiting na konsehal.

Nakapanghihinayang na tagumpay, sa halip na pagbubunyi ang tanggapin ngayon ni Pacman ay negang-nega ang kanyang pangalan, nakakalungkot.

Ni Cristy Fermin

Oyo Madalas Nakabuntot kay Kristine

Matapos makitang magkasama last week sina Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto sa Greenbelt 3, this time ay sa Embassy disco-bar naman sa The Fort nakita ang dalawa last Thursday, October 18, night. Ito ay sa launching ng kapwa niya ABS-CBN star at ex-girlfriend ni Oyo na si Anne Curtis as the new image model of Freeway. Sabay na dumating ang dalawa at dumeretso kaagad sa dressing room ni Anne, kaya naman nagsunuran ang mga camera men at photographers.

Very warm sina Anne at Kristine sa isa’t isa although ex si Anne kay Oyo noon at ngayon naman ay nali-link si Kristine sa huli. Sumunod namang bumati si Oyo kay Anne. Pagkakita sa amin ni Kristine ay nag-dialogue ito ng, “Lagi n’yo na lang akong tsini-tsismis. Ako na lang lagi n’yong nakikita. Bakit hindi n’yo nakikita ‘yung isa?” tanong namin sa kanya, si Diet? “Oo,” sagot ng young actress.

A few minutes after lumabas na sa dressing room ang mga TV crew at photographers ay tuloy-tuloy na ang kuwentuhan ng tatlo hang­gang bago lumabas ng stage at rumampa si Anne. Medyo naulinigan namin na kinu-kuwento ni Anne kina Kristine at Oyo ‘yung mga tinanong sa kanya ng mga TV reporters, gaya ng latest issue about Sam Milby and Piolo Pascual.

Bago pa dumating sina Kristine at Oyo ay tinanong na namin si Anne kung anong masasabi niya sa issue about Kristine and Oyo. “They’re (Kristine and Oyo) my friends, kaya go ahead!” sagot ni Anne. Sa katunayan daw ay matagal nang crush ni Oyo si Kristine, sabi ni Anne. At since nakunan ng TV cameras at pictures sina Kristine at Oyo ay tinanong namin si Kristine bago kami magpaalam na pagsasa­bihan kaya siya ng Star Magic after this. “Hindi. Magka­ibigan lang naman kami (ni Oyo). Halos lahat ng kaibigan ko lalaki. Bakit sa kanya (Oyo) lang ako natsi-tsismis?” pagtatapos ni Kristine.

Sabay ding umalis ng Embassy sina Kristine at Oyo matapos ang event dahil may pupuntahan pa raw silang party. Tungkol naman sa issue between Sam and Piolo na nalaman lang ni Anne through her friends ay mukhang tinatawanan lang niya ito. Binibiro pa nga raw ni Anne si Sam tungkol dito. “Sabi niya (Sam), “I can’t believe you’re teasing me,’” kuwento ng Anne. Pero sa huli ay pinagtanggol pa rin ni Anne si Sam na matagal nang nali-link sa kanya. “I will stand to what I believe in. Sam is not gay. I should know. He’s my friend,” seryosong sagot ni Anne.

Pagdating naman sa isyung Angel Locsin at Luis Manzano ay sinabi ni Anne na hindi pa raw pinapa­kilala sa kanya ng kanyang best friend at soul mate na si Luis si Angel bilang girlfriend. “Kilala? Matagal ko nang kilala si Angel pero hindi pa siya pinapakilala sa akin ni Luis as his girlfriend. If ever totoo ‘yon, go! I’m happy for them,” nakangiting advise ni Anne. Kahit daw kay Oyo ay hindi pa sinasabi ni Angel kung boyfriend na nga talaga niya si Luis, dahil hindi pa raw sila nagkakausap lately. Kaya walang alam ang binata. “Bakit, totoo bang sila (Angel at Luis) na?” tanong ni Oyo sa amin.

Anyway, hindi lang isa kundi dalawang ex boyfriend ni Anne ang dumating to show their support. Bukod kay Oyo ay namataan din namin si Paolo Araneta na ayon kay Anne mismo ay inimbitahan niya. “Yes! I invited him,” nakangiting chika ni Anne.

* * *

Tumayong bangka sa isang umpukan ang boxing champion na si Manny Pacquiao. Nang malaman nitong July 19 ang birthday ng anak nina Claudine Barretto at Raymart Santiago na si Rodrigo Santino at kinabukasan ay parehong birthday ng mag-asawa ay nag-volunteer si Manny na siya na ang sasagot sa triple birthday celebration ng mga Santiago. Kasabay din nito ang Christian dedication ni Tino (tawag ni Claudine kay Baby Santino). Nagulat at halos hindi makapag-react sina Raymart at Claudine sa bonggang offer ni Manny.

Para hindi siguro mahiyang tanggapin nina Raymart at Claudine ang “advance treat” ni Manny ay naikuwento ng huli na nagregalo raw siya sa isang former mayor na mabait sa kanya at naging kaibigan niya ng P4.5M-worth na Land Cruiser. Ayon sa isang malapit sa boxing champ, ganun daw talaga kagalante si Manny. Pero dagdag ng aming informant, tinapatan ng isa pang kaibigang pulitiko ni Manny ang pagiging galante by giving the boxer a P27M-worth na sasakyan na walang hininging kapalit kay Manny.

Ni Francis Simeon

Iza at Cristine ‘Di Sinipot Si Robin

Ang Belo Medical Group ang sponsor ng special screening kagabi sa MyCinema ng Greenbelt ng 11th Hour, ang documentary movie ni Leonardo DiCarpio tungkol sa kalikasan. Alam n’yo ba ang nangyari? Ipinakansela ni Dra. Vicki Belo ang special preview dahil sa malagim na nangyari sa Glorietta 2.

Nakakapangilabot ang balita na marami ang nasugatan at may mga namatay sa pagsabog na naganap kahapon ng 1:30 pm sa Glorietta Mall. Ayon sa initial reports, ang nag-leak na LPG ang dahilan ng pagsabog dahil gumuho ang isang bahagi ng mall at habang isinusulat ko ito, hindi pa tiyak ang bilang ng mga namatay at nasaktan. Parang mahirap paniwalaan na LPG ang rason ng pagsabog dahil masyadong malaki ang damage sa Glorietta 2 Mall. Para gumuho ang mall, matindi talaga ang pagsabog na naganap.

* * *

Likas ang pagiging usyosero ng mga Pili­pino. Imbes na magsi­pag-uwian pagkatapos ng pagsabog, pinaligiran pa nila ang mall para panoorin ang rescue ope­ration ng mga pulis. Hindi nakuntento ang iba sa panonood ng TV dahil pumunta pa sila sa site ng pagsabog. Bilib ako sa media dahil tinutukan nila ang pangyayari. May mga nagpunta sa ospital para kilalanin ang mga biktima.

Mabilis na kumalat ang balita dahil sa text messaging. May mga kakilala ako na nasa ibang bansa na nauna pang nakaalam sa pagsabog. May nag-text daw sa kanila na pinasabog ang Glorietta Mall. Noong una, inakala ng iba na joke lamang ang text na natanggap nila. Naniwala sila nang i-flash sa TV ang breaking news tungkol sa nakakalungkot na pangyayari.
Nakikiramay ang PSN sa mga biktima at sa kanilang mga pamilya na nagdadalamhati.

* * *

Nagkaroon ng story conference ang Joaquin Burdado noong Huwebes at dinaluhan ito ni Robin Padilla at ng kanyang anak na si Kylie na introducing sa bagong TV series ng GMA 7. Sina Iza Calzado at Cristine Reyes ang leading ladies ni Robin sa Joaquin Burdado pero hindi umapir ang dalawa sa story conference.

Nasa Batanes si Iza para sa shooting ng pelikula nila ni Ken Zhu at may taping naman si Cristine para sa Marimar. Sandali lamang ang itatagal ni Ken sa Pilipinas kaya araw-araw ang shooting nila ni Iza. Disappointed kay Ken ang mga TV crew na nag-abang sa airport at sumalubong sa kanyang pagdating dahil hindi na nga siya nagpainterbyu, matipid pa siya sa pagngiti. Naku, intindihin n’yo na lang si Ken dahil hirap ito sa pagpapainterbyu porke hindi siya marunong magsalita ng Ingles. Hindi rin sila magkakaintindihan ng mga reporter na mag-iinterbyu sa
kanya.

* * *

Bago tayo mapalayo ng topic, join din sa cast ng Joaquin Burdado ang kapatid ni Robin na si Rommel Padilla. Ganyan ka-generous si Robin. Kung may role para sa kanyang mga kamag-anak, isinasama niya sa kanyang mga project. Board member na ng Nueva Ecija si Rommel pero hindi niya makalimutan o maiwan ang pag-aartista dahil nasa dugo nila ito.

Hindi man naging successful actor si Rommel katulad ni Robin, masuwerte naman siya sa kanyang political career. Kung hindi ako nagkakamali, number one board member si Rommel noong nakaraang eleksyon.

Ni Lolit Solis

Wednesday, October 17, 2007

Lolit, kinilabutan kina Piolo at Sam

May mga nag-e-email, nagte-text at ang pagkakaalam ko ay tumatawag na rin ang Star Magic kay Manay Lolit Solis para klaruhin siguro ang isyu kina Piolo Pascual at Sam Milby. Ilan sa mga nag-text at nag-email ay pawang pagtatanggol kina Piolo at Sam na meron daw silang kani-kanyang trabaho ‘nung araw nang makita sila ni Manay Lolit sa isang coffee shop sa Sofitel.

Hindi sinasagot ni Manay Lolit ang tawag ng Star Magic dahil wala raw dapat pag-usapan pa kung tungkol lang sa isyung iyun. Basta, paninindigan ni Manay Lolit at tinitiyak niyang sina Piolo at Sam ang nakita niyang nagbubulungan sa isang sulok ng coffee shop ng Sofitel. Kahit ang waiter na nakausap niya ay sinasabi raw na madalas na nagkikita roon ang dalawa. Ang kuwento lang naman ni Manay Lolit, nakita niya ang dalawang nagbubulungan. Iyun lang!

Bakit sobrang defensive ang ilang tagapagtanggol nina Piolo at Sam kung nagbubulungan lang naman? Lalo tuloy kaming namamalisyahan sa closeness ng dalawa. Isa ako sa tinawagan ni Manay Lolit nang makita niya ang dalawa. Ang una niyang sinabi sa akin, hanggang sa mga sandaling iyon ay kinikilabutan siya at parang nanginginig pa raw ang mga tuhod niya, Hindi siguro kailangang gawin niya iyun o magdrama ng ganu’n si Manay Lolit kung gusto lang niyang gumawa ng isyu tungkol sa dalawa.

Pakialam ba naman niya kung anong meron kina Piolo at Sam! Ganu’n ang reaksyon ni Manay Lolit dahil iba raw pala ang pakiramdam kapag nakita mo mismo ang mga taong sangkot sa matagal nang naririnig mong tsismis.

***

Gustong iparating ni Rufa Mae Quinto ang paumanhin kay Mark Bautista dahil hindi siya nakasipot sa concert ng huli nu’ng Sabado sa Aliw Theater. Nasa poster ang pangalan ni Rufa Mae bilang isa sa mga special guest pero hindi na nakayanan ng seksing komedyana na pumunta dahil sa Bulacan pa raw ang shooting niya ng Desperadas. Mahaba ang paliwanag ni Rufa Mae tungkol dito, pero alam niyang naintindihan daw ito ng Viva Films at ni Mark.

Tuwing Sabado lang daw kasi ang naibigay niyang araw sa Desperadas at ilang Sabado na raw ang hindi niya naibigay sa pelikulang ito dahil nagamit daw ng Apat Dapat, Dapat Apat. Kaya nu’ng nalibre na itong nakaraang Sabado ni Rufa Mae, hindi na niya maisingit ang guesting sa concert ni Mark dahil tuluy-tuloy na raw ang shooting niya. Sana’y huwag daw itong ipagtampo ni Mark.

Sa victory party ng Apat Dapat, Dapat Apat, naikuwento rin ni Rufa Mae na may inaayos daw na pelikulang baka makasama raw niya ang ilang Hollywood stars. Hindi lang niya maibigay ang buong detalye dahil nung nakaraang Lunes lang daw nakausap ng Backroom ang mga taong involved sa project na ito. Baka maudlot pa raw kaya huwag na raw munang pag-usapan.
Nilinaw rin ni Rufa Mae ang isyung may gap sila ngayon ni Kris Aquino dahil sa katapat ng Deal or No Deal ang Whammy na mataas lagi ang rating.

Ang pagkakaalam daw niya, wala silang dapat pag-awayan ni Kris at malaki pa rin daw ang paggalang niya sa huli. Hinding-hindi daw niya makalilimutan si Kris na mabait sa kanya magmula nu’ng nagsisimula pa siya.

***

Isinugod sa St. Luke’s hospital si Yasmien Kurdi nu’ng Lunes ng hapon dahil biglang nahilo ito habang nagti-taping sila ng Pasan Ko ang Daigdig. Tinawagan ako ng EP ng naturang soap na si Joseph Buncalan at wala pa raw silang ideya kung bakit biglang nahilo ang Yasmien.

Naghuhulaan na lang kami nung mga oras na iyun, dahil matagal bago ito inilabas ng hospital.
Buntis ba si Yasmien? Napagod na ba siya sa kapapasan kay Gina Alajar? O baka epekto na ito sa sobrang pagda-diet niya? Kahapon ko lang nalaman sa mga taga-Pasan na nakabalik din pala si Yasmien sa taping pagkatapos niyang inilabas ng hospital dahil okay na raw ito pagkatapos siyang painumin ng gamot.

Ayon sa doktor, tumaas ang blood pressure ng young actress sa di pa malamang kadahilanan.
Ang duda namin, baka epekto ito ng pagda-diet dahil hindi raw maganda ang diet niya. Halos wala raw siyang kinakain para tuluy-tuloy ang pagpayat niya. Kung kumakain man daw, gulay lang dahil vegetarian siya.

Binabantayan na raw si Yasmien ng Mommy niya dahil OA na raw ito kung mag-diet na maaring isa sa mga dahilan ng pagtaas ng blood pressure nito.

Ni Abu Tilamzik

John Lloyd at gf, sobrang sweet

Nagbantay ako kahapon sa pictorial ng Kisses & Co. na ine-endorse ni Ruffa Gutierrez.
Dumalaw sa pictorial ang girlfriend ni John Lloyd Cruz na si Liz Uy. Magkaibigan kasi ang dalaga at si Ruffa. Tsika-tsika ako kay Liz at napag-usapan namin ang tungkol sa pagda-diet ko.
Nabanggit ni Liz na malakas siyang kumain pero dahil sa dami ng trabaho niya bilang stylist/fashion editor ay hindi siya tumataba.

Sabi ko naman sa kanya, kaya siguro name-maintain niya ang kanyang to die for na figure ay dahil sa "pressure" ng pagkakaroon ng sikat na young actor for a boyfriend.
Natawa lang si Liz sa biro ko.

Oo nga pala, may nagkuwento sa akin na sobrang sweet sina Liz at John Lloyd noong debut ng younger sister ng una. Mukhang belong na belong na si John Lloyd sa pamilya ni Liz.

***

Kahapon din ay nagkausap kami ni Becky Aguila, manager ni Angel Locsin. Napag-usapan namin ang nalathala kahapon dito sa Abante TONITE kaugnay kay Lawrence Leuterio na make-up artist sa pictorial ng coffeetable book ni Jun de Leon. Ayon kay Tita Becky, isiningit lang sa pictorial ni Angel ng Lobo (working title ng teleserye nila ni Piolo Pascual sa ABS-CBN 2) ang pictorial na ‘yon.

Sa studio rin daw kasi ni Jun ang pictorial. May make-up artist na raw sa si Angel sa pictorial ng Lobo, si Krist Bansuelo. "Since singit nga lang ‘yon sa pictorial ng Lobo, pinakiusapan ko na si Krist na siya na rin ang mag-retouch sa make-up ni Angel para sa coffeetable book ni Jun.
"Hindi kasi ako in-inform ng editor ng coffeetable book na may make-up artist silang kinuha para mag-make-up kay Angel. "Iyung sa coffeetable book kasi, dalawang lay-out lang ‘yon, so, pinakiusapan ko na si Krist. "Noong sabihin sa akin na nandoon din si Lawrence, tinawagan ko ang P.A. ko at ipinakausap sa akin si Lawrence and I explained to him.

"Okey naman. Eh si Angel, nag-effort siyang lapitan si Lawrence para huwag sumama ang loob sa kanya. "Pero ‘yun nga, nag-dialogue ng ganoon si Lawrence, kaya naiyak si Angel. "Ako naman, ayokong sisihin si Lawrence. Wala naman siyang mali. Ayoko ring sabihin na fault ni Joceline (coffeetable book editor) ‘yon. Nagkulang lang si Joceline ng information sa akin.
"Hindi niya sinabi na may kinuha siyang make-up artist. "Nang kausapin ko si Joceline, she told me na kakausapin niya si Lawrence. Sana lang, maging maayos ito. "Nahihiya rin kami kay Lawrence dahil talaga namang kilala at magaling na make-up artist ‘yung tao," paliwanag ni Tita Becky.

Umaasa si Tita Becky na hindi na lalaki ang intrigang ito tungkol kina Angel at Lawrence.
Anyway, pagdating sa alaga niyang si Jennylyn Mercado ay ayaw magkomento ng kahit na ano ni Tita Becky. Umaasa siyang matatapos din ang intriga sa kanilang dalawa. Pati ‘yung dialogue ni Jennylyn na nag-aartista na rin siya ay ayaw sagutin ni Tita.

Ni Jun Lalin

‘Ouija’ sinabotahe na naman

They come in three’s. Muling naunahan ng pagbebenta ng mga video ng Ouija ang naka-schedule na Ouija premiere over the weekend sa Los Angeles, CA kaya hindi na natuloy ito.
Itinuloy na lang ang Love Speak show nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo with Jason Abalos at Edgar Allan Guzman.

Second time na ito nangyari. Di ba, two months ago, ‘nasabotahe’ rin ang premiere nights na dadaluhan sana nina Juday at Jolina Magdangal? Pero ganyan din at hindi na lang sila natuloy.
Nakausap namin ang pangkat nang nasa airport sila for Carson City kung saan may show sila sa Carson Civic Center last Monday.

Nalaman namin through Ka Alfie mismo na muling nasabotahe ang kanilang isa pang Ouija premiere night sa Jersey City sa Sabado (Oct. 20). Kaya ang Love Speak concert na lang ang ipalalabas sa Loews Theater nina Juday, Ryan and company. Nakatakda silang nasa Manila sa Oct. 24.

***

Dahil tinatapos pa ni Kristine Hermosa ang Enteng Kabisote commitments niya at nagte-taping din siya ng kanyang soap na Prinsesa ng Banyera, usad-pagong ang siyuting ng pelikula nila nina Toni Gonzaga at Sam Milby.

Cool lang ang bagong director na si Jade Castro dahil alam daw niya na sa Valentine season ang playdate ng pelikula. That’s five months away and Jade has all the time para sa kanyang big break, ang Big Love.

In case hindi pa ninyo kilala si Jade Castro, siya ang director ng digital film na Endo na jury prize ng 2007 Cinemalaya at nagpanalo kay Ina Feleo ng best actress.

***

Ikukuwento namin ang karanasan namin sa isang beteranang aktres. Tinawagan kami ng kaibigan niyang director. Bagong dating lang mula US ang aktres at baka type naming interbyuhin. Dahil kilala namin ito, tinext namin. Ang konting mga tanong. Excited kaming mag-text sa aktres dahil matagal nang wala kaming balita tungkol sa kanya. At isang premyadong aktres siya noon .

Nabigla ako na hindi siya interesadong mainterbyu at ayaw niyang pag-usapan kung saan siya nanggaling. "Bakit ka kumontak? Gusto ko, pelikula. O kahit sa telebisyon," ang nakabibigla niyang text message.

Nag-decide ako na huwag na lang sumagot. May text message muli: "Hindi ka na sumagot dahil wala kang maibibigay sa akin, pelikula man o soap. Napakasakit, Kuya Billy." Nabalitaan ko na may pelikula na siya, bigay ng director na friend niya. Mahirap siguro ang buhay niya sa US, ano?

Ni Billy Balbastro

Rufa Mae, handang maging watergirl sa concert ni Erik

Tuwang-tuwa si Rufa Mae Quinto dahil certified blockbuster ang Apat Dapat, Dapat Apat na co-produced ng Viva Films at ng kanyang On-Q 28 Productions. Ayon sa Viva, naka-P9M ito nu’ng opening day and as of Monday (October 15) ay mahigit P50M na ang kinita nito sa takilya.
"Feeling ko, suwerte ‘yung On-Q 28 ko," masayang bungad sa amin ni Rufa Mae kahapon nang tanghali sa victory party ng ADDA. "Una akong naki-co-prod sa Viva sa Masikip sa Dibdib, pero wala pa akong sariling production noon. Parang nag-share lang ako. Ito talaga ‘yung una.
"Itutuluy-tuloy ko na ang pagpoprodyus. Kasi, ang sarap pala ng feeling! Bilang artista, ang sarap na, eh! Tapos, producer ka pa?

"Hindi na nga dahil producer ka, eh! Kundi ‘yung feeling mo na may kuwenta ka. Alam mo ‘yon? Pero may kuwenta naman palagi ‘yung mga ginagawa ko. Tingin ko, ha? Sana, kayo rin! Ha! Ha! Ha!" tawa ng sexy comedienne. Ayon kay Rufa Mae, noon pa niya pangarap sa buhay ang maging isang producer tulad nina Bong Revilla at Vic Sotto.

Hindi pa niya sure kung anong susunod na project ng On-Q dahil meron pa siyang Pasukob with Ai Ai de las Alas (sa Nobyembre 29) at Desperadas (sa Enero 1) na hindi siya ang producer.

***

Pinagreak namin si Rufa Mae sa isyung nagseselos ang ex-boyfriend niyang si Erik Santos sa nali-link sa kanya na si Billy Crawford. "Alam mo, ang hirap kasi kay Erik, hindi siya magsalita sa akin, eh! Hinihintay ko ‘yon, na magsalita siya sa akin pero wala, eh! "Eversince naman, nagseselos siya eh," dayalog ng sexy actress.

Ang tanong, dapat bang magselos si Erik kay Billy? "Ngayon? Hindi," maikling sagot niya. Nakarating din kay Erik na sayaw siya nang sayaw nu’ng concert ni Billy sa Araneta, kaya dapat daw ay hindi siya mawala sa solo concert nito sa Big Dome sa Oktubre 19. Ang sabi pa ni Erik ay pauupuin siya nito sa front row. "Oo, I’ll be there. Kung gusto niya, nasa tabi pa ng stage! Kahit maging watergirl lang ako kay Erik, gagawin ko. Kasi, okey kami, eh! Wala kaming pinag-awayan," pakli niya.

Anong feeling niya ‘pag may nagsasabing nagagamit siya sa publicity ni Erik? Imbes na ang concert kasi nito ang pag-usapan ay palaging ang tungkol sa kanilang dalawa ang nauungkat.
"Eh, ‘yun naman ang totoong nangyayari kasi, di ba? ‘Yun din ang naitatanong sa kanya. In fact, kung mabibigyan siguro siya ng choice, ang gusto niya sigurong itanong sa kanya, eh kung gaano kaganda ang concert. "Ako rin minsan, nawawalan ng choice. Kasi, parang as much as gusto mong isingit nang isingit ‘yung movie, minsan, hindi naman ‘yun ang itinatanong sa ‘yo, eh! Mga personal questions," paliwanag niya.

Wala pa bang kapalit si Erik sa puso niya? "Sa ngayon? Wala pa talaga. "Pero kailangan lang magtagumpay muna kami habang bata pa kami. Gawin na namin ang mga ambisyon at pangarap namin. Kasi, kapag kumpleto na kami at lahat, madali na, eh! Kung talagang kami, ha?"

Ngayong araw na ito ang alis ni Billy pa-Amerika, hindi ba siya maghahatid sa airport?
"Alam kong aalis siya, pero hindi ko alam kung may time pa ako (para maghatid). At saka hindi siguro dapat maghatid pa. Text-text na lang kung kaibigan lang naman. "Malapit si Billy sa amin ng mga kaibigan ko. Kumbaga, sa friends ko, siya ‘yung bagong kasama sa group."
So, friendship lang ang namamagitan sa kanila?

"Walang magagawa sa ngayon, eh! ‘Yun lang talaga ang pwede, eh! Aalis na nga, di ba?" bulalas pa ni Rufa Mae.

Ni Allan Diones

Anak sa labas ni Bong tanggap ni Lani Mercado

Agaw-pansin ang anak nina Jolo Revilla at Grace Adriano na si Gab sa debut ng little sister ng una na si Inah Revilla last October 13 sa One Esplanade sa Pasay City. Makulit ito, kung saan-saan tumatakbo, kaya nakasunod at nakabantay din ang kanyang Daddy Jolo.

Pagdating sa nanay ng bagets na si Grace, come what may ang attitude ni Jolo. “I’m not closing my doors,” aniya. Inamin sa amin ni Jolo na he still loves Osang’s daughter. “Mahal ko pa rin si Grace. Nami-miss ko siya. Syempre, lalo na may anak kami. Bata pa naman kasi kami. Pero malay natin.”

Dumalo rin sa naturang debut ang half-brother nina Jolo na si Luigi. Fifteen years old ito at parang spitting image ng tatay niyang si Sen. Bong na moreno. “Matagal na naming alam ‘yung tungkol sa kanya,” kuwento ni Jolo. “In fact, close siya sa amin, lalo na sa akin. Kasama namin siya du’n sa Boracay trip ng pamilya last Holy Week.” True enough, halos buong gabi nga ay nakaakbay si Jolo sa kanyang kapatid. Ayon pa rin kay Jolo ay nagkaroon ng heart-to-heart talk silang tatlo ng kanilang Kuya Brian (Revilla).

Sina Jolo rin ang nagpaalam sa mommy ni Luigi para makadalo ito sa debut. Nagkayayaan pa nga ang magkakapatid na magpunta sa Embassy Bar kaya lang ay past 3:00 a.m na natapos ang party kaya hindi na sila tumuloy. Narinig naming nag-dialogue si Lani Mercado na may himig pag-aalala: “O, baka magalit ang mommy ni Luigi, ha.” Sa Sofitel Hotel sa Roxas Boulevard kung saan naka-check in ang buong Revilla family na rin natulog si Luigi.

Ni Francis Simeon

Tuloy ang pagpasok sa PBB: Ethel Booba nagbago ang isip

Kinumpira ng isang hosts ng Eat Bulaga na kaya nawala sa show si Cindy Kurleto ay dahil magre-relocate sa Peru kasama ang foreigner boyfriend. Dapat daw, ang bf lang nito ang aalis, pero hindi yata matiis ng dalawa na magkahiwa­lay ng matagal, kaya ang desisyon ay pareho silang umalis.

Nasa bansa pa sina Cindy at ang boyfriend nito at sabay na silang aalis, pero nag-resign na ito sa Eat Bulaga, kaya hindi na napapanood. Matagal ding namalagi sa bansa ang dalaga at kahit papaano, mami-miss nito ang ‘Pinas.

***

Nagbago na naman ang isip ni Ethel Booba at gusto na namang sumali sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2. In fact, this Wednesday na siya papasok sa Bahay Ni Kuya and hopefully, hindi na uli ito mag-backout at tapusin kung hanggang kailan siya ma-i-eliminate.

Tsika sa amin, nasa bahay lang si Ethel mula noong Friday, nagpahinga at nag-isip mabuti and after two days, ready nang sumabak sa PBBCE 2. It turned out, hindi lang ang boyfriend na si Janvier Daily ang problema nito, pati na ang kapatid na si Boobita na gusto munang makausap bago siya pumasok sa Bahay Ni Kuya at may isyu silang dapat linawin.

Hindi masasayang kung ganun ang hirap ng staff sa paghahanda sa pagpasok ni Ethel sa Bahay Ni Kuya gaya ng pictorial, immersion at medical and physical exams dahil magagamit pa rin niya ang mga ito ngayong kasama na siya sa housemates.

Ugali ng young actress nakakapraning

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakatakas sa kanyang malungkot na nakaraan ang isang batang aktres. Madali namang maunawaan ang kan­yang emosyon, dahil sa napakabatang edad ay nakatikim agad siya ng mga hirap, nagka­roon ng trauma ang young actress sa masak­lap niyang naka­raan.

Yun ang dahilan kung bakit parang neon lights sa kalye kung magalit ang kanyang mood, minsang halos himatayin na siya sa katatawa, minsan naman ay para siyang namatayan sa sobrang pag­ka­lungkot kahit wala namang dahilan ang kanyang pagmukmok. “Napakahirap hulihin ng ugali ng batang yun, ikaw ang unang masisi­raan ng bait kapag naka­sama mo siya nang matagal, dahil pabagu-bago ang ugali niya, grabe ang mood swings ng ba­tang yun!” impor­masyon ng isang source.

Maraming nagsasabi na hindi rin makakakita ng boyfriend na pangmatagalan ang batang aktres na ito, dahil kapag nadis­kubre na ng lalaki ang kan­yang ugali, siguradong sa hiwalayan na ang tuloy nun. Kahit sa set ng ginagawa niyang pelikula ay mara­ming naloloka sa ugali ng batang aktres, kung minsan ay bumabantay siya sa mga eksenang kinu­kunan kahit hindi naman siya kasali, pero kung minsan ay nasa loob lang siya ng dressing room at ni hindi sumisilip sa labas.
“Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakaka-move on sa nangyari sa kanya nung bata pa siya, kaya nating pagbigyan yun, pero huwag naman sana siyang magpakulong sa nakaraan niya.
“Hindi naman lahat ng tao, e, makakaintindi sa past niya, paano kung sumpungin ding tulad niya ang matapatan niya, di nagrambol na lang sila?” sabi pa rin ng aming source.

Kung tawagin ng kanyang mga kasamahan ang young actress na ito nang palihim ay Simang, hindi yun ang kanyang palayaw, pero ang Simang ay kinu­ha nila sa salitang simangot dahil simangutera ang batang aktres na ito.

Kahit sa merkado ay ayaw natin sa mga tinde­rang nakasimangot, kahit sa restaurant ay ayaw natin sa waitress na simangutera, mas sumasarap ang pagkain kapag nakangiti ang naghahain ng ating inorder.

* * *

Sa mga kapapasok lang sa Bahay ni Kuya ay interesado kami sa mga rebelasyong pasasabugin ni Victor Basa. Ayon sa isang source na nakausap namin ay merong malungkot na bahagi sa buhay ng aktor, yun daw ang dahilan kung bakit kahit nakangiti na siya ay parang iiyak pa rin ang binata, Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 kaya nakatakdang ibunyag ni Victor Basa kung ano yun?

Pagkatapos naming marinig ang kuwento ay nabagbag ang aming damda­min, isa lang ang pangako namin ngayon sa aming sarili, kung text vote ang kaila­ngan ng binatang aktor para sa kanyang tagumpay ay handa kaming makipag-ubusan ng load.
Pramis yan.

* * *

Kami man si Aiai delas Alas ay maloloka rin kami sa mga bagong (luma) rebelasyon ni Snooky Serna kung bakit nito itinuturing na isa sa mga pinakaplastik na tao sa showbiz ang Comedy Concert Queen.

Kung si Aiai nga na mismong may pa-party nung dumalo si Snooky ay wala nang nata­tan­daan sa pangyayari, pero si Snooky ay nagma­marakulyo pa rin hanggang ngayon, dahil ginawa raw itong tanga at istupida ni Aiai sa kanyang selebrasyon.

“Nananahimik ako dito sa Amerika at nagso-show, naloka naman ako, dahil inirereklamo na pala ako ni Snooky,” reaksyon ni Aiai nang makarating ang pinaggagawa ngayon. “E, birthday party ko pala yun, natural, aligaga ako magdamag. Iisa lang naman ang katawan ko, hindi ko naman puwedeng babaran sa kuwentuhan ang ilang tao lang, dahil ako ang host ng party. “Kundi ko man siya naasikasong mabuti noon, e, nagso-sorry ako sa kanya, pero sa totoo lang, ni wala na nga akong matandaang ganun, e!” tumatawag paliwanag ni Aiai.

Anu-ano pa kayang mga kuwento ang hahalukayin ngayon ni Snooky sa baul ng kanyang alaala para lang mapag-usapan ito, meron pa kaya, para lang sa ngalan ng publisidad na dispalinghado naman?


Ni Cristy Fermin

Bagong commercial ni Gretchen banned sa mga news program

Mamaya ang unang gabi ng concert ni Josh Groban sa PICC. Marami ang gustong manood ng show ni Josh pero nanghihinayang sila na gumastos ng P25,000. Ganyan kamahal ang presyo ng tiket para sa show ni Josh. Ilan lamang sina Yasmien Kurdi at Jolina Magdangal na gustong mapa­nood ang concert ng sikat na singer pero nama­mahalan sila sa ticket. Pero iba ang karisma ni Josh. Very expensive man ang tickets, sold-out pa rin ito.

Tiyak na magkikita-kita sa PICC ang mga sosyal na can afford na manood ng show ni Josh. Sila yung mga dedma sa paggastos ng libu-libong piso. Barya lamang para sa kanila ang P25K!

* * *

Walang balak ang isang TV news program na patulan ang isyu tungkol sa mga bagong litrato ni Gretchen Barretto na kumakalat sa internet. Ang sey ng staff, hindi sila magpapagamit sa ad campaign ng produkto na iniendorso ni Gretchen.

Papatulan lamang nila ang isyu kung maglala­gay ng commercial spot sa kanilang programa ang manufacturer ng produkto. Agree ako sa desisyon ng TV news program staff. At sa lagay ba eh ang manufacturer lang ng produkto ang makikinabang? It’s unfair! It’s unfair!

* * *

“You will all go to hell” daw ang text message na natanggap ng staff ng isang TV show mula sa imbyernang asawa ng contestant na kasali sa kanilang programa. Natural, naloka ang staff ng show dahil hindi nila inaasahan na bayolente ang magiging reaksyon ni misis na nagalit dahil ang kanyang biyenan at hindi siya ang ininterbyu para sa show.

In fairness sa nagalit na misis, na-realize nito na mali ang kan­yang ginawa kaya nag-sorry siya sa mga tao na pinadalhan niya ng nakakalokang mensahe sa text. Mula nang mangyari ang insi­dente, hindi na raw nakita ang misis sa studio ng TV station dahil nahihiya siya sa ugali na kanyang ipinakita!

Tuesday, October 16, 2007

Ara, nire-request na kumanta ng ‘Lupang Hinirang’

Dahil ako ang direktor ng Not Just Duet sa Zirkoh Timog sa Sabado at isa sa performers namin ay si Ara Mina, may mga nag-suggest sa akin na bago magsimula ang show ay pakantahin namin ang dalaga ng national anthem. Gusto raw kasi nilang marinig ang version ni Ara ng Lupang Hinirang.

Marami rin kasing mga nagmamahal kay Ara ang nanghihinayang at hindi siya natuloy na kumanta ng national anthem noong Will to Win fight nina Manny Pacquiao at Marco Antonio Barrera.

Hindi ko pa nakakausap si Ara tungkol sa mungkahing ito ng mga manonood ng Not Just Duet sa Sabado

***

May nagbulong sa akin na may mga naaartehan kay Marian sa set ng Desperadas, pero ayon sa co-star niyang si Ruffa Gutierrez, okey ang dalaga. "Bumabati sa akin si Marian and she’s nice, kaya hindi ako maka-relate sa mga ganyang intriga sa kanya. "Siguro ‘yung iba, akala ganoon siya dahil hindi masyadong palakibo si Marian. Siguro, nahihiya lang ‘yung tao," pagtatanggol ni Ruffa sa kanyang Desperadas co-star.

Anyway, ayon sa manager ni Marian, si Popoy Caritativo, wala sa image ng kanyang alaga na maging isnabera. Lalong hindi raw lumalaki ang ulo ni Marian, dahil sa tagumpay ng Marimar.
Ako naman ay naniniwalang may nang-iintriga lang sa dalaga.

Ang payo na lang namin kay Marian, mag-extra effort na lang siya sa pagpi-PR sa mga taong nakakatrabaho niya, para hindi na siya naiintriga pa na lumaki na ang kanyang ulo.

Ni Jun Lalin

Billy Crawford: "mahirap malayo sa pamilya"

Paalis na bukas si Billy Crawford para gawin ang mga commitment niya sa Amerika. Sabi sa amin ni Billy, aalis siyang mabigat ang dibdib dahil sobrang mami-miss niya ang Pilipinas. Kung walang mangyayaring aberya ay malamang nandito na ulit siya sa ‘Pinas sa Nobyembre 3. Muli siyang mapapanood sa Araneta Coliseum sa Disyembre 8 bilang isa sa mga guest sa Diva-licious concert ni Pops Fernandez.

Tsika ni Billy, ngayon lang ulit niya nakapiling ang kanyang Amerikanong ama. Mahigit isang taon ang lumipas mula nu’ng huli silang magkita. Sa Texas nakabase ang trabaho ni Daddy Jack, pero matagal itong nadedestino kung saan-saan, tulad ngayon sa India. Tuwang-tuwa si Billy, dahil ngayon lang aniya sila nagkasama nang ganito katagal ng daddy niya at sa Pilipinas pa ito nangyari. Maging ang mommy niya ay hindi niya rin madalas makasama lalo na ‘pag nasa Europa siya. Halata ang lungkot sa boses niya nang sabihin niya sa aming, "Mahirap, mahirap malayo sa pamilya..."

***

Touched kami sa pagdating ni Billy sa munting birthday party namin kamakalawa nang gabi sa Circle CafƩ sa Timog-Morato circle. Pagkatapos magsimba ay dumiretso na si Billy sa Circle CafƩ. Hindi man siya gaanong nagtagal ay magiliw siyang nakipagtsika-tsika sa mga bisita namin.

Nabasa pala ni Billy ang coverage namin dito sa TONITE ng It’s Time concert niya sa Araneta at sobra raw siyang natuwa sa sinulat namin. Ka-dinner niya ang kanyang daddy, kaya hindi siya puwedeng magbabad sa party kahit gusto niya. Nabanggit namin sa kanyang inimbita namin si P-chi (Rufa Mae Quinto) na nali-link sa kanya at tumawa lang nang malakas si Billy.

Ni Allan Diones

Angel, lumuha sa ‘pera-pera’

May nakarating na kuwento sa akin tungkol kay Angel Locsin pero hindi ko ito makumpirma sa young actress, kaya puwede niya sigurong sagutin na lang ito sa kanyang PRO. Nu’ng nakaraang linggo ay nagkita kami ng kilalang make-up artist na si Lawrence Leuterio sa kanyang shop na parang naalangan itong magkuwento sa akin sa nangyari sa kanila ni Angel Locsin.

Kagagaling lang daw ni Lawrence sa pictorial para sa aklat ng kilalang photographer na si Jun de Leon, kung saan siya ang official make-up artist doon. Isa sa piniktoryal nu’ng araw na iyun ay si Angel na dapat ayusan niya. Dumating daw si Angel at ang ilang kasama nito na nakaayos na ang aktres. Sinabihan daw si Lawrence na malamang magre-retouch na lang siya, dahil nakapagpa-make up na si Angel sa iba. Kaagad namang um-okay raw si Lawrence na parang wala lang dahil may ilang artista siyang inayusan.

Pero parang iba raw ang naramdaman ni Lawrence sa studio dahil nakita niyang nagbubulung-bulungan ang grupo nina Angel. Ilang sandali ay nilapitan na siya ng ilang staff at nagsu-sorry sa kanya, dahil hindi na siya ang mag-aayos sa young actress. Tapos na sana iyun kay Lawrence dahil hindi raw talaga isyu sa kanya kung hindi niya naayusan si Angel.

Ang ikinairita raw niya, lumapit pa si Angel sa kanya at nag-sorry. May sinabi pa raw itong, "Alam ko, nasaktan ka, sorry po talaga." Kaya sinagot na raw ito ni Lawrence ng, "Okay lang sa akin iyun, Angel. Ang daming sikat na artistang inayusan ko. Pagtuntong ko pa lang dito sa pictorial, fully paid na ako. Wala sa akin iyun. Pera-pera lang ‘to sa akin!" Umalis na raw si Lawrence at ilang sandali, ipinarating na raw sa kanya ng ilang staff sa pictorial na umiiyak na raw si Angel.

Hinihintay ko ang tawag sa kanya si Becky Aguila para marinig ko sana ang pinag-usapan nila, pero hanggang sa nakaalis ako sa shop ni Lawrence ay hindi pa siya natawagan. Ayon kay Lawrence, nagkausap na raw sila ni Becky at maayos daw ang kanilang pinag-usapan. Mukhang irita pa rin si Lawrence kay Angel, dahil dati pa raw sa Mano Po 5 shooting ay naartehan na siya kay Angel at wala raw itong ginawa sa shooting kundi umiyak nang umiyak. "Na-OA-yan na ako sa kanya kaya nagsalita na ako ng ganu’n," pahayag ni Lawrence.

Mukhang sensitive na si Angel kapag pera-pera na ang pinag-usapan kaya siguro naiyak na ito sa sinabi ni Lawrence, na ilan sa mga inaayusan niyang mga kilalang artista ay sina Lorna Tolentino, Pops Fernandez, Charlene Gonzales at Ruffa Gutierrez.

Ni Abu Tilamzik

See you soon, Billy Crawford

More than a week nang tapos ang con­cert ni Billy Crawford pero pinag-uusapan pa rin ang kanyang It’s Time concert na gi­nanap sa Araneta Co­liseum. Super impressed kasi ang mga nanood sa performance ng in­terna­tional singer. Ma­rami ang hindi nakakaalam na ang interna­tional singer pala mis­mo ang prod­ucer as in pera niya ang ginastos para sa napa­kalaking concert na yun kung saan dinala pa niya ang mga imported mu­sicians galing ng Eu­rope.

Thanks God at na­puno ang Araneta ni Billy at umuwing im­pressed ang mga na­nood. At iisa ang ku­wento nila:
“World class perfor­mer. Parang mas ma­galing pa siya kay Justin Timberlake.” World class daw ta­laga ang present­ation particular na sa opening number kung saan sa opening num­ber pa lang ay amazing na. Luma­bas daw siyang naka-harness na baliktad na first time na ginawa sa isang concert sa bansa, eh ilang foreign artist na nga naman ang nag-perform sa bansa pero hindi sila na-amaze.

Kino-consider din nila itong one of the best concerts sa Ma­nila. Pati ang director niyang si Gabriel Hoa­reau, imported. Isa sa mga accomp­lishments ni Gabriel Hoareau ang pagdidi­rek ng opening and closing ceremonies ng Athens Olympics. Idagdag pa si Maryss, na choreogra­pher din nina Be­yonce, Justin Timber­lake and Missy Elliot. Kaya lahat daw ng nasa Araneta ay gustong sumayaw.

Maraming nakapan­sin na sexy na rin si Billy. At hindi pala nagi-expect ang audience na ganun kagaling si Billy including Ms. Virgie Ramos, Swatch big boss. “My God, ang ga­ling talaga niya. Parang mas magaling pa siya kay Justin Timberlake,” she said.

Swatch endorser si Billy because she says, fits Swatch to a T, he and product being of inter­national caliber. And just like Swatch, Billy is expect­ed to go more places in his dog­ged pursuit of ex­cellence. Anyway, tomorrow, Wednesday, aalis si Billy ng bansa at me­dyo mag­tatagal muna siya sa Ame­rika and Europe.

Ni Salve V. Asis

May nakasamang bading sa mga housemates ng PBB Celebrity Edition 2!

Sino kaya kina Baron Geisler, Donald Geisler, Will Devaughn, Mr. Gonzaga, at Victor Basa ang susunod sa yapak ni Rustom Padilla na maga-OUT din bago matapos ang Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2. Ang mga nabanggit ang unang batch na ipinakilalang housemates na puma­ sok sa Bahay ni Kuya nung Linggo ng gabi at base sa sangkaterbang mes­sages na natanggap namin ay may bading na namang nakapasok sa PBB house.

Curious kami kung sino kaya’t tina­ nong namin kung sino at nagulat kami nung banggitin ang name dahil hindi namin sukat akalaing bading pala ang nasabing celebrity dahil kung titingnan mo naman ay lalaking-lalaki talaga. Say mismo ng nag-text sa aming gay publicist ng isang male contest, “Ano ba, since birth, bading na siya at kilalang-kilala ko ‘yan, contestant ko ‘yan sa (name ng contest). Jowa nga niya ‘yung isang miyembro ng male group.”

Kaya pala wala kaming nabalitaang naging girlfriend niya or nabanggit niya sa amin sa interview na virgin pa siya at the age of 21. Nakakataka nga.

***

How true kapatid pala ng dating aktor na si Dennis da Silva ‘yung isang female Celebrity housemate na Da Silva rin ang surname? Pero itinatago raw ng nasabing housemate na kuya niya ang dating aktor dahil ayaw niyang masabit sa gulo at higit sa lahat, hindi sila nagkasamang lumaki sa iisang bahay dahil nga mas­yadong makulay ang buhay ng dating aktor.

As of now ay ayaw daw pag-usapan ng nasabing celebrity housemate ang tungkol kay Dennis dahil everytime raw na naririnig niya ang name ng kuya niya ay naiiba ang mood niya.

Base sa nakita naming impression kay Ms. Da Silva ay muk­hang palaban ito at hindi na kami magta­taka kung isa rin siya sa ka­mumuhian ng viewers tulad ni Wendy Val­dez.

Ni Regge Bonoan

Korina, hinamon si Pacquiao!

Nasa palabang es­ta­do pa rin si Korina San­chez, madaling intindihin yun dahil kung pinaking­gan lang ng mga eheku­tibo ng Dos ang gusto ni Manny Pacquiao ay matagal na siguro siyang walang trabaho, sa kan­yang programa kahapon sa DZMM kasama si Ted Failon ay nagbigay uli ng komento ang mata­pang na anchor­wo­man.

Ayon kay Ate Ko­ring, sa lahat ng sinabi ni Manny bilang de­pensa ay isa lang ang totoong-totoo, ang si­nabi ng bok­singero na hindi nito kayang mag­patanggal ng isang tao sa trabaho.
Ang sabi ni Korina ay mabuti naman daw at alam yun ni Manny, si­nabi rin ng anchorwo­man na kahit maging super-universal at inter-galactical champion pa ito sa larangan ng bok­sing ay hindi pa rin ito binibigyan ng ka­rapa­tang magpa­tang­gal sa trabaho sa kahit sino.
Madiin ding sinabi ni Korina na anumang bagay na sinasabi niya ay pinaninindigan niya, anuman ang mangyari ay wala siyang tatali­kuran, dahil meron siyang paninindigan.

Nilinaw rin nila ni Ted na kahit kailan ay hindi nila naging paksa sa kanilang pang-umagang programa sa DZMM ang pagiging sugarol ni Manny, kaya walang katotohanan ang isyu na sinabi nilang hindi dapat su­portahan ng ating mga kababayan si Pacman dahil sugarol ito, day dahil hindi nga nila nagi­ging paksa yun sa kani­lang programa.

Sa swabe, pero ma­diing pananalita, ay hina­mon ni Korina si Pacman na subukin uli nitong gawin ang pagpapatang­gal sa kanya. Masakit na masakit yun para sa news anchor, dahil ang kanyang katwiran ay hindi naman gawa-gawa lang ang inilabas niyang survey nung nakaraang eleksiyon na bagsak sa rating si Manny, kundi isang opisyal na resulta ng ginawang survey sa GenSan.
Maraming kababa­yan din natin ang na­ga­galit ngayon kay Manny dahil sa sinabi nito na kaya hindi umu­unlad ang buhay nating mga Pinoy ay dahil sa inggit.

Sana raw ay mag­da­han-dahan sa pag­sasa­lita si Manny dahil ang mga Pilipinong tinutukoy nitong na­bubuhay sa inggit ay ang mismong mga taong nanala­ngin para sa kanyang ta­gumpay mula pa noon. Ganun ang dating ng sinabi ni Pacman, pero sa ngalan ng pagi­ ging parehas ay hindi naman nilahat ni Manny ang ating mga kababa­yan, ang sinabi ng bok­singero ay ka­ramihan lang at hindi lahat.

Pero ayaw tang­gapin ng mga kausap namin ang ganung paliwanag, masakit daw talagang mag­salita si Manny, kaya wala na silang paki­alam mula ngayon sa mga susunod pang laban ni Pacquiao.

Ni Cristy Fermin

Melanie, gustung-gusto nang maging director!

Tatlong araw pa la­mang na nakakauwi si Melanie Marquez mula sa pagbabakasyon ka­sama ang kanyang pa­milya sa rancho ng kanyang asawa pero, sabak na agad siya sa trabaho. Una niyang ginawa ay gumupit ng ribbon to officially open Psalm­stre Health & Beauty Cen­ter (PHBC), ika­lawang branch ng isang spa ang beauty center na pag-aari ni Jaime Acosta, may-ari rin ng Psalm­stre, gumagawa ng mga produkto ng New Pla­centa, en­dorsed by Me­lanie, Olive C, endorsed by Lovi Poe at marami pang anti-ageing and beauty products. Kasamang nag-rib­bon cutting ni Melanie si 2006 Miss Earth Hil Hernandez from Chile, 2006 Ms. Earth-Fire Catherine Untalan at ang bet natin for this year’s Miss Earth 2007 international pageant, Jean Harn.

Ang PHBC ay may­ro’ng state of the art medical equipment at mga well-trained staff na pinamumunuan ng da­lawang in-house con­sultants, Maria Ellery Mende, isang US trained der­­­matologist at Diet­mar Rum­mel, Ger­man natural med­icine doc­tor. La­hat ng beauty pro­d­ucts na gaga­mitin sa center ay pro­dukto ng Psalm­stre (soap, moistu­rizing cream at toner.

Kahit pa­god pa at may jet lag, ma­sayang naki­halubilo si Me­lanie sa mga bisita. Sa isang pana­yam, si­nabi nito na “Gus­tung-gus­to ko nang maging di­rect­or, sa pelikula man o sa TV. Siguro kung hindi ako na­ging artista, naging director naman ako, tu­lad ng aking ama (Arte­mio Marquez). Gusto kong unang idi­rek ang aking anak, si Manue­lito,” ani Mela­nie.

Ni Veronica R. Samio

Ara, nire-request na kumanta ng ‘Lupang Hinirang’

Dahil ako ang direktor ng Not Just Duet sa Zirkoh Timog sa Sabado at isa sa performers namin ay si Ara Mina, may mga nag-suggest sa akin na bago magsimula ang show ay pakantahin namin ang dalaga ng national anthem. Gusto raw kasi nilang marinig ang version ni Ara ng Lupang Hinirang.

Marami rin kasing mga nagmamahal kay Ara ang nanghihinayang at hindi siya natuloy na kumanta ng national anthem noong Will to Win fight nina Manny Pacquiao at Marco Antonio Barrera.

Hindi ko pa nakakausap si Ara tungkol sa mungkahing ito ng mga manonood ng Not Just Duet sa Sabado

***

May nagbulong sa akin na may mga naaartehan kay Marian sa set ng Desperadas, pero ayon sa co-star niyang si Ruffa Gutierrez, okey ang dalaga. "Bumabati sa akin si Marian and she’s nice, kaya hindi ako maka-relate sa mga ganyang intriga sa kanya. "Siguro ‘yung iba, akala ganoon siya dahil hindi masyadong palakibo si Marian. Siguro, nahihiya lang ‘yung tao," pagtatanggol ni Ruffa sa kanyang Desperadas co-star.

Anyway, ayon sa manager ni Marian, si Popoy Caritativo, wala sa image ng kanyang alaga na maging isnabera. Lalong hindi raw lumalaki ang ulo ni Marian, dahil sa tagumpay ng Marimar.
Ako naman ay naniniwalang may nang-iintriga lang sa dalaga.

Ang payo na lang namin kay Marian, mag-extra effort na lang siya sa pagpi-PR sa mga taong nakakatrabaho niya, para hindi na siya naiintriga pa na lumaki na ang kanyang ulo.

Ni Jun Lalin

Monday, October 15, 2007

Ethel Booba,nag-backout sa PBB

Unang araw pa lang ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2, may mga tsismis na ka­ming naririnig na isa sa kanila’y madaling mai-eliminate. May kasala­nan daw ito dahil sa premature announce­ment na kasama siya sa housemate na papasok sa Bahay Ni Kuya, ga­yong ipinagbabawal pa ‘yun.
Si Ethel Booba kaya ang tinutukoy sa tsikang ito? Siya lang ang alam naming nag-imbita na agad na panoorin siya sa PBBC 2 sa kanyang mga gigs. Tumibay pa ang tsismis na may ma­tsutsugi agad dahil kahit napili na ang 13 house­mates, nagkaroon daw ng pictorial ng ilang celeb­rities na sabi’y, ipapalit sa unang maaalis.

Heto na, habang nag­ta-type, may nag-text sa amin at ibi­nalitang nag-back-out si Ethel sa last minute. Nag-iiyak ito nang sunduin sa bahay niya at ‘di na raw sasali. Ang rason ng hitad, hindi niya kayang iwan ng two months ang boy­friend niyang si Janvier Daily.
Ni Nitz Miralles

Dina, lumalagare sa Kapuso at Kapamilya

Non-exclusive ang kontrata ni Dina Bon­nevie kaya kahit kata­tapos lang ng Na­tu­tulog Ba Ang Diyos sa Dos ay magte-teyping ito ng bagong teleserye sa Sie­te na magsi­si­mula sa su­sunod na bu­wan. Balik-Kapuso ang ak­tres kung saan inamin nitong ayaw niyang maging kon­trabida.


Sa kabilang banda, kahit sampung taon ang tanda niya sa kanyang boyfriend ngayon ay compatible naman daw si­lang dalawa at kung talagang sila nga ang magkapalad ay payag na rin pakasal ang ak­tres sakaling ya­yain siya nito.

***

Valerie, Sunud-Sunod Ang Project
Maganda ang takbo ng career ngayon ni Va­lerie Concepcion dahil bukod sa pagiging co-host ng Wowowee sa Dos ay balitang may ga­gawin itong gag show.


Bukod pa rito, may gagawin din siyang peli­kula under Star Cine­ma katambal si Vhong Na­varro.
Ngayon pa lang ay excited na ang magan­dang aktres na makapa­reha ang komedyante.



Ni Emy Abuan-Bautista

Piolo at Sam, huling-huling naglalampungan

Natutulala pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang mga eksena na na­ saksihan ko noong Bi­yernes nang pumunta ako sa Sofitel dahil in­vited ako ni Mang Er­ning Lim sa exhibit ng Likas Papaya soap. Hindi ako masya­dong pamilyar sa Sofitel kaya nagkandaligaw-ligaw ako sa paghaha­nap sa venue na pupun­tahan ko. Imbes na magpunta ako sa garden tent ng Sofitel, nakarating ako sa poolside coffee shop ng hotel. ‘Yung mga hindi pa­milyar sa Sofitel, ito ‘yung dating Westin Philip­pine Plaza.

Bongga ang coffee shop sa poolside dahil mula dito, eh makikita ang breath-taking sunset sa Manila bay. Breath-taking daw o! Bandang alas-ku­watro ng hapon nang mapadpad ako sa pool­side. Wala akong ka­sama at habang nagla­lakad ako, eh palinga-linga ako dahil hinaha­nap ko nga ang event na pupuntahan ko. Dalawang mhin ang napansin ko dahil ka­kaiba ang kanilang mga ikinikilos as in sweet sila habang nagbubulungan. Halos magkadikit na nga ang mga pisngi nila ‘noh!

Nakita ng mga waiter ang pagdating ko. Si­yem­pre, binati nila ako with matching tawag sa aking name. Daaay, sure ako na nalaman ng dalawang mhin ang aking pre­sence dahil nataranta sila.
Kitang-kita ko ang kanilang pagmamadali na makaalis. Muntik na akong madapa dahil sinundan ko sila ng tingin. The who ang dala­wang mhin? Sina Piolo Pascual at Sam Milby! Dapat ba akong ma-offend dahil para akong may sakit na nakahaha­wa kaya bigla silang umalis? Tumalilis ba sina Piolo at Sam dahil afraid na harbatan ko sila? Nag-alala ba ang dalawa na baka magpalibre ako sa kanila o hindi nila type na ka-share ako sa pa­nonood nila sa paglubog ng araw!

Sa totoo lang, nag­karoon ako ng malisya sa ginawa nina Sam at Piolo. Kung dinedma nila ako, hindi ko sila mapa­pansin. Hindi ko mala­laman na nasa iisang lugar lang kami.
Tulala ako hanggang makauwi ako ng bahay. Ganoon pala ang paki­ramdam kapag naka­saksi ng kakaibang sweetness ng parehong lalake. Kung lumapit at bu­mati sa akin sina Piolo at Sam kahit hindi kami magkakilala, hindi talaga ako makakaramdam ng kakaibang malisya.
May nagkuwento sa akin na madalas sa So­fitel poolside coffee shop sina Sam at Piolo dahil konti lang ang mga tao na pumupunta roon.

Ewan ko lang kung bumalik pa sila sa lugar na ‘yon pagkatapos ko silang makita. Kasi na­man, sa dami ng lugar na pupuntahan, doon pa ako naligaw sa poolside ng Sofitel. Malay ko ba na nandoon pala sina Sam at Piolo?

* * *

Nagtampo raw sa akin si Jinkee Pacquiao nang sabihin ko sa Startalk noong Sabado na mukhang snatcher si Manny. As usual, umiral na naman ang pagkatak­lesa ko pero wala akong intensyon na ma-hurt ang mag-asawang Pac­quiao. Figure of speech lang ‘yon. Walang maniniwala sa sinabi ko dahil hindi naman snatcher si Manny. Isa lang ‘yon sa mga kagagahan ko, di ba Mama Korina San­chez?

Anyway, bonggang-bongga ang 1st birthday party ni Princess, ang bunsong anak nina Manny at Jinkee. Sa give-aways pa lang, sulit na ang pag­punta ng mga bisita sa party na ginanap noong Biyernes sa Renais­sance Hotel, Makati City. Sosyal na rin ang dalawang bagets boys nina Jinkee at Manny. English-speaking na ang mga bagets na kapwa nag-aaral sa Brent International School.
Tama lang ang de­sisyon ni Manny na ipagpatuloy ang kan­yang pag-aaral para maipagmalaki niya sa mga anak na bukod sa pagiging champion sa boxing, meron siyang college diploma!

Ni Lolit Solis

Bianca, lumuha sa sampal ni Marian

Kahapon sa backstage ng S.O.P. Rules ay nakatsikahan ko si Bianca at nilinaw niyang hindi siya galit kay Marian. Okey na okey na raw silang dalawa at wala na siyang sama ng loob tungkol sa pagkakaroon niya ng pasa sa mukha bunga ng sampalan scene nila ni Marian.
"We’re okey," paliwanag ni Bianca.

Gusto lang linawin ni Bianca ‘yung nasulat na first time niyang napasabak sa ganoong klase ng eksena, kaya hindi siya sanay. "Marami na akong sampalan scenes na nagawa. Minsan nga, si Ms. Cherry Pie (Picache) pa ang sumampal sa akin. "Pero first time lang na ganoon katindi ang pagkakasampal sa akin, kaya napaiyak ako.

"Gumawa ako ng sulat sa GMA 7 management dahil ‘yon ang advice sa akin ng father ko.
"Para maging malinaw rin ang lahat. Kasi, kung anu-ano na ‘yung naglalabasan. Para lang maayos at hindi magkaroon ng isyu. "Eh, nagkausap na kami ni Marian at okey kaming dalawa," sabi ni Bianca. Nilinaw rin ni Bianca na walang kinalaman ang kontrobersyang ‘yon kaya pinatay na ang character niya sa Marimar. "That same taping day, after ng sampalan scene namin ni Marian, kinunan din ‘yung eksenang namatay ako. "Talagang mamamatay na ‘yung character ko," paglilinaw pa ni Bianca.

Kahit wala na sa Marimar si Bianca, hindi siya mawawala sa Siyete dahil kasama siya sa bagong afternoon drama na My Only Love at ka-triangle siya rito nina Mark Herras at Rhian Ramos.


Ni Jun Lalin

Manny Pacquiao mukhang snatcher!

Medyo napasimangot daw si Jinkee Pacquiao nang nag-comment si Manay Lolit na dati ay mukhang snatcher si Manny Pacquiao, pero ngayon ang guwapu-guwapo na niya dahil ang dami nang datung. Natawa lang ang Pambansang Kamao sa comment na iyun ni Manay Lolit, dahil kilala niya ang Startalk host kung paano ito magbitaw ng komento.

Napansin din namin sa Showbiz Central na nag-iba rin ang mukha ni Jinkee nang magtanong si John Lapus tungkol kay Ara Mina. Medyo sensitive si Jinkee sa mga intriga at ‘di magagandang komento kaya sana, umiwas na lang siya sa mga interview at hayaan na lang si Manny Pacquiao na humarap sa mga interview. Kahit ano pa ang isagot ni Manny at kahit mag-attitude siya sa mga nagtatanong, carry naman niya, dahil charming pa rin si Pacquiao, na ikinatuwa na ng mga tao.

May nakarating pang kuwentong pinaimbestigahan daw ang loan ni Ara Mina sa bangko para pambili ng bahay ng aktres, kaya lalong sumama raw ang loob ng aktres at ng pamilya nito.
Ang unang pinagdudahan ay si Jinkee ang nagpaimbestiga na unfair sa kanya kung hindi siya, pero bakit naman pinaimbestigahan pa?

Ni Abu Tilamzik

Sunday, October 14, 2007

Aktres, malandi!

Malandi talaga ang isang sexy actress na matagal nang nachichismis na kumakabit sa iba’t ibang DOM na nabobola niya. Kapag type niya ang isang lalaki ay siya pa ang nagte-text at nagpapahaging sa lalaki ng kung anu-ano.

Matagal nang nachichismis ang aktres sa mga ganitong pamamaraan niya na manggoyo ng lalaki at madalas ay DOM. Madalas na hindi umeepekto ang raket niya at ichinichismis pa siya ng mga lalaking tine-text niya. Nagtataka lang kami at maayos na ang estado ng buhay niya ay hindi pa rin siya tumitigil sa ganitong raket.

Sabagay, hanggang may naloloko pa siya, bakit naman siya titigil?

Ikanga, kanya-kanyang raket lang ‘yan.

Ni Joe Barrameda

Aktor at modelo, nag-away dahil sa lalaki

Natsismis noon na magdyowa ang isang kilalang aktor (na galing sa kilalang showbiz clan at nagsimula bilang modelo) at isang dating kilalang male model na bumigay na rin.

Ayon sa aming kaibigan, hindi ito totoo. Sa halip na nagmahalan, nagngitngit ang aktor at modelo sa isa’t isa dahil sa isang napakagwapong lalaki. Kapag nagkikita ang aktor at ang modelo sa kanilang mga ramp show, nag-iirapan sila. Kapag nagkita ang dalawa sa isang bar o party, nagwu-walk out ang isa. May karapatang magalit si modelo sa aktor.

Inahas ni aktor ang napakagwapong lalaki kay modelo. Alam ni aktor na may namumuo nang bonding sa modelo at sa lalaki pero sumingit pa si aktor. Magaling sa boka si aktor dala na rin ng pagiging showbiz niya. Mula noon, naging mainit na ang ulo ni modelo kay aktor. Kapag nababanggit ang pangalan ni aktor sa usapan, ipinangangalandakan ni modelo na inagawan siya ni aktor ng lalaki.

Noong panahong iyon, tago ang pagiging bakla ni aktor. Kahit ngayon, hindi pa rin inaamin ni aktor sa publiko na bading siya. Tumagal nang maraming taon ang gusot ng aktor at modelo.
Dala na rin siguro ng panahon at pagma-mature, nang magkita minsan ang dalawa ay nagkaayos sila.

Ni Rey Pumaloy

Di pa on, nagdi-date pa lang!

Nag-text sa amin ang mommy Mai Her­mosa ni Kristine tung­kol sa nasulat naming nanood ng sine dito sa PSN ka­ha­pon ang kan­yang anak kasama si Oyo Boy Sotto sa Green­belt kamakailan.

Ayon kay Mai, “‘Gee, kasama ako nina Oyo at Tin na nanood ng sine sa Greenbelt, No Re­ser­vation ‘yung title ng movie, siksikan nga kami sa 2-seater na BMW car ni Oyo.

“Ayoko sanang su­mama, e, mapilit ang anak ko, kaya sumama ako, una munang nag-invite mag-dinner si Oyo saka kami nanood ng sine. Magkaibigan lang sila ‘Gee, hindi ko lang alam kung nanliligaw si Oyo, pero base sa naki­kita ko, magkaibigan lang sila,”

Marahil ay hindi pa nga nanliligaw ang bina­tang aktor na isa sa bida ng Pedro Penduko At Ang Mga Engkantao sa Prinsesa Ng Ban­yera, pero base sa pagkaka­alam namin ay ganito ang istilo ni Oyo sa ba­baing type niya, unang nililigawan ang magu­lang.

If ever na totoo nga ang planong manligaw ni Oyo ay wala naman si­gurong masama dahil parehong libre sila ni Kristine, ‘yun nga lang, sana tantanan na ng aktres ang pagsasabing love pa rin niya si Die­ther Ocampo dahil un­fair naman iyon para sa mga gustong manligaw sa kanya.

Claudine, ayaw na ng malaking boobs!

Kahapon ko lang napa­nood sa Star­talk ang inter­byu kay Clau­dine Barretto tungkol sa kan­yang bust reduction proj­ect.

Hindi ang malaking dib­dib ni Clau­dine ang uma­gaw ng aking atensyon. Mas napansin ko ang mga microphone ng GMA 7 na nag-interbyu sa kanya.

Wala akong na-sight na microphone ng ABS-CBN kaya nanini­wala ako sa balita na ayaw ni Claudine na magpain­terbyu sa mga show ng Kapamilya network, lalo na sa TV Patrol World, kahit idinenay niya ang tsis­mis na may tampo siya sa kanyang mother network.

Ni Lolit Solis

Jennica Garcia, ayaw mag-debut dahil ayaw mag-gown!

Sa December 26 pa ang debut ni Jennica Garcia, pero ngayon pa lang, humihingi na siya ng regalo sa kanyang fans. Ito’y ang suportahan ang Hide and Seek, ang launching movie nila ni Mart Escudero sa Regal. Gusto niyang kumita ang pelikula para matuwa si Mother Lily at hindi magsisi sa pagbibigay sa kanila ng pelikula.

Kung si Jennica ang masu­sunod, walang party sa kanyang debut dahil ayaw niyang mag-gown, ayaw ng cotillion, ayaw ng senti mood at ayaw umiyak. Kung pa­payagan ni Jean Garcia, gusto nitong sumama sa amang mag-mission trip sa isang tribe sa Benguet. Four days tatagal ang trip at sana raw, wala siyang trabaho sa araw na ‘yun.

Bago pala ang regular showing ng Hide and Seek sa October 31, may premiere night ito sa Oct. 28 sa SM Megamall. Halloween treat ito ng Regal at tiyak na matata­kot ang moviegoers. Mula ito sa script ni Gina Marissa Tagasa sa di­reksyon ni Rayhan Carlos.

Ni Nitz Miralles

Francine, ayaw sa lalaking pagtatrabahuhin siya!

Nakatutuwang mari­ nig ang kwento ni Fran­cine Prieto na guma­ganap ng isa pang kon­tra­bida role sa pang MMFFP offering na En­teng Kabisote 4: Okay ka Fairy Ko (The Be­ginning of a Legend) is Here Once Again dahil sa laki daw niya ay hirap na ilagay siya sa har­ness,” Maraming lalaki ang humihila sa lubid na kinatatalian ko para lang ako umangat,” ani Fran­cine Actually daw ay five shooting days lamang si Francine pero lubhang napakahirap para sa kanya yung mga eksena niya na nasa harness siya. “Pero, okay lang dahil first time kong nag-action. At least napatu­na­yan ko na kaya ko pala, mahirap nga lang,” kwento niya.

Sa kanyang gulang ay wala pang balak mag-asawa ni Francine. Pero if ever, gusto niya sa la­ laking stable na. “Bread­winner na ako sa pa­milya ko, gusto ko na­man ang lalaki na ang susuporta sa akin.

Hanap niya sa lalaki yung maganda ang uga­li. Pangalawa na lamang yung itsura. “Pero kung makakakita ako ng ma­bait na ay gwapo pa, eh di lalong ma­buti,” sabi niya. Hindi niya itinatwa na naging manliligaw niya sina Christian Vasquez at ang news reporter na si Oscar Oida. Bagaman at mabubuting tao ang dala­wa, hindi na niya pinagta­gal ang panli­ligaw nila para ma­kaha­nap pa sila ang iba. Hindi raw tu­mibok ang puso niya sa ka­nila. “Hindi rin isyu sa akin ang may anak pero kung bi­nata eh mas mabuti. “Kami na ang mag­si­si­mula ng pa­milya na­min,” sabi niya.

Ni Veronica R. Samio

Kris Aquino, mayro’n nang second album

Naging masaya ang buong Universal To­wer nang dumating doon si Kris Aquino noong Huwebes ng hapon, para mag-recording sa Universal Records. Lahat ng mga em­pleyado, pati mga executives, tuwang-tuwa dahil nagkaroon sila ng pagkakataon na magpa­kuha ng litrato with Kris.

Nagsimula naman agad ang kanyang recording for the second album, “Kris Aquino, Love Inspiration”. Ka­papasok pa lang niya sa recording studio sa 9th floor, pero nakita na naming lumalabas siya agad doon.

Super bilis siyang mag-recording ng mga narrative parts ng ma­lapit nang ilabas na CD. Panonoorin pa sana namin siya habang nasa studio, tapos na pala agad.
Naalala ko tuloy noong una kong nakita ng personal si Kris. Noon ay 16 years old pa la­mang siya nang ma­kumbida kong maka-usap ang Dutch singer-composer na si Gerald Joling, habang nandito sa ating bansa.

Sa isang restaurant (ngayo’y wala na) sa Remedios circle kami nag-lunch with Kris. Ma­laki talaga ang pag­ha­nga ni Gerald kay Kris, kaya’t ayaw ni­yang uma­lis ng Pili­pinas na hindi nakikita ng personal ang anak ng dating Pangu­long Corazon Aquino.

Binigyan pa ng fresh tulips ni Gerald si Kris at ilang regalo, na ang iba’y pinadala pa sa Mala­caƱang. Very friendly naman si Kris sa foreigner, although nabang­git niya noon na hindi siya magkaka-crush sa mga taga-ibang bansa.

Maraming pagkaka­taon pa na nakausap ko si Kris, lalo na noong ma­ dalas siyang magpasyal sa El Oro office ni Manay Ethel Ramos. Nakumbida niya rin kami na makipag-dinner sa kanilang tini­tirhang bahay sa Arle­gui noong President pa ang kan­yang ina. An informal dinner with the country’s President ay isa tala­gang malaking privilege.

Noong gawin ang Magic To Win sa Hong­kong, nakapa­nood din ako ng shooting. Ka­sama sa biya­heng ‘yon ang mga kaibigang Ricky Lo, Ronald Cons­tantino, Ethel Ramos, Mario Her­nando at marami pang iba. Doon sa new territories ki­nunan ang ma­raming eksena sa Hong­kong movie na pi­nalabas sa buong Asia.

Simula noon naka­gawa na si Kris Aqui­no ng ma­rami pang peli­kula na ang ilan ay nagbigay sa kanya ng awards at titulong Box Office Queen.

Ang pagpasok ni Kris sa recording ang kinagulat ng iba. Sabi nila wala nang hihili­ngin pa si Kris sa kan­yang showbiz career. Nasa pinnacle of success siya sa telebis­yon. Naging bida siya sa mga most memorable films to date, na naging monster hits pa.

Kaya naman ma­rami ang nagtaka sa pag­pasok niya sa recording. Nagulat din sila nang maging super successful ang “Song Of Love & Healing” album mula sa Universal Records. Ilang linggo lang na­ilabas, naging gold record na. Mabilis din dumating ang platinum certificate ng CD.

Ngayon, tapos na ang recording ng “Kris Aquino, Love and Inspiration” album. Na­kita ko na ang magan­dang book-type package na talagang magu­gustu­han ng lahat. Lalo pa, kapag narinig ninyo ang magagandang 18 songs na kasama sa CD.

Ni Ernie Pecho

Aktres, nagdudusa sa hininga ng asawa

Hindi maligaya ang aktres sa piling ng kanyang mayamang asawa dahil may amoy ang hininga nito. May nakapagsabi sa aktres na incurable na ang chronic halitosis ng mister niya kaya araw-araw ang kanyang pagdurusa. Wala raw epekto sa asawa ng aktres ang madalas na paggamit nito ng mouth wash.

Kilala sa pagiging mayaman ang lalaki pero walang magawa ang kanyang kayamanan para magamot ang sakit niya sa hininga.

***

Nasa Pilipinas na ang movie director na si Yam Laranas at iilan lamang yata ang nakakaalam na bumalik na siya sa bansa. Nang matapos ang shooting ng The Echo sa New York, bumalik kaagad ng Pilipinas si Yam dahil miss na miss na niya ang kanyang pamilya, lalo na ang anak na si Elki na nag-celebrate ng 3rd birthday noong October 10, 2007.

Malaking karangalan para sa ating bansa na magkaroon ng isang Filipino director sa Hollywood kaya nararapat lamang na bigyan si Yam ng pagpapahalaga ng ating mga kababayan.
Wala bang local talk show na interesadong interbyuhin si Yam tungkol sa mga karanasan niya bilang direktor sa Hollywood?

***

Tungkol sa mga sex video scandal ang kuwento ng pelikulang RoXXXanne ni Jun Lana. Kung mabilis ang pick-up ng manonood, madali nilang mahuhulaan ang katauhan ni Cholo, ang aktor na may sex video scandal na pinag-uusapan sa pelikula ng mga karakter nina Marlon (Jay Aquitania ) at Jonas (Janvier Daily).

Si Sheree ang gumanap na RoXXXanne pero si Jay ang tunay na bida ng pelikula dahil sa kanya umiikot ang kuwento.

Ni Jojo Gabinete

Ara, walang dapat ipaliwanag

Kung si Ara Mina ang tatanungin, wala raw siyang dapat ipaliwanag sa pilit na pagli-link sa kanila ni Manny Pacquiao, kaya imbes na mag-react pa, lalo na lang nagpapaka-busy ang sexy actress sa kanyang mga trabaho.

Sa ngayon ay dalawang pelikula ang tinatapos niya at marami pa siyang ibang projects na inaasikaso, kaya kahit may mga nang-iintriga sa kanila ni Manny ay dinededma ni Ara ang isyu sa kanila ng boksingero.

Sa mga tagahanga ni Ara, kasama siya sa Not Just Duet show sa Oktubre 20 sa Zirkoh Timog.
Kasama ni Ara sa show na ito sina JayR, Faith Cuneta, Kris Lawrence, Studs at Dr. Manny Calayan. For ticket inquiries, text cell# 0922-891-9989.

***

Ngayong araw na ito ang balik sa bansa ni Annabelle Rama kasama ang mister niyang si Eddie Gutierrez at mga anak na sina Richard, Elvis, Rocky at Ritchie Paul. Hindi na magpapahinga si Bisaya dahil haharapin kaagad niya ang meeting sa ABS-CBN 2 para sa bagong series ng mister niya.

May mga proyekto rin ang ibang mga alaga ni Bisaya na kailangan niyang tutukan.
Magiging abala rin si Bisaya sa pag-aasikaso para sa kanyang birthday party sa Oktubre 28 (Oktubre 31 ang birthday niya). Hindi siya magkandaugaga dahil wala pa siyang mapiling venue para roon. edyo malaki ang birthday party ngayon ni Bisaya dahil isasabay roon ang selebrasyon para sa tagumpay ng RRRampa for a Cause nina Richard, Raymond at Ruffa.
Imbitado raw lahat ng mga artistang sumali sa RRRampa.

Ni Jun Lalin

Gladys Guevarra, buhay-prinsesa sa US

Sa Las Vegas, Nevada pa lang ay nakatanggap na kami ng tawag mula kay Philip Peredo, ang current boyfriend ni Gladys Guevarra. Nabalitaan niyang nasa Las Vegas kami. Madalas niyang maalala kami tuwing kumakain sila ng New York bagels na aming paborito.
Laking tuwa ni Philip nang malaman niyang dadalaw kami sa New York.

Ayon kay Gladys, lagi akong nababanggit ng kanyang boyfirend at naalala nito ang mga kalokohan namin sa LA noong Agosto. Pinaghandaan nila ang aming pagdating. Nakiusap pa si Philip kung pwedeng du’n kami matulog sa kanila nang dalawang araw. Dahil kulang sa panahon ay nakiusap ako na isang buong maghapon na lang kami magsama.Ganu’n na nga ang nangyari.

Nagkita kami sa ibaba ng opisina ni Philip sa Manhattan. Dinala niya kami sa Jersey Gardens, isang outlet mall sa New Jersey. Dahil pihikan kami sa pagsa-shopping ay ilan lang ang nabili namin courtesy ng young businessman. Sa pagkukuwentuhan namin over lunch ay kitang-kita namin ang kasiyahan ni Gladys.

Mula nang dumating siya sa Jersey City ay never daw siyang na-homesick at enjoy na enjoy siya sa New York City. Pakiramdam niya ay ito ang matagal na niyang hinahanap na buhay na tahimik at walang nakikialam sa pang-araw araw niyang ginagawa. Busy man si Philip sa trabaho ay abala siya sa pagdyi-gym at pagsha-shopping sa iba’t ibang lugar sa New York.
Daig pa raw niya ngayon si Philip dahil siya na ang tinatanungan ng boyfriend sa mga direction ng pupuntahan nila.

Sinasamantala ni Gladys ang six months stay na ipinagkaloob sa kanya ng US immigration sa pagtigil niya sa US at pagkatapos ay uuwi siya ng Pilipinas. Hindi pa niya alam kung may balak siyang mag-show muli habang nasa Pilipinas pero ang priority niya ngayon ay ang Lugawan Republic na magkakaroon ng dalawang branches sa Pilipinas at kasalukuyang inaayos nila.
Nagbabalak din silang maglagay sa Queens sa New York ng Lugawan Republic na sa tingin nila ay tatangkilikin ng mga Pinoy sa New York area.

***
Parang prinsesa si Gladys sa pag-aalaga ni Philip, pero hindi ito inaabuso ni Gladys. Sa katunayan ay nasakyan namin ang bagung-bagong red Hummer na binili ni Philip para kay Gladys pero hindi pa niya namamaneho ito dahil inaayos pa niya ang kanyang lisensya.

Madalas silang mag-out of town tuwing weekend. Pumupunta sila sa iba’t ibang lugar sa Amerika. Kung may visa lang si Gladys ay balak ni Philip mag-Europe kahit ilang araw lang.
Malapit lang kasi sa New York ang flying time papuntang London at iba’t ibang parte sa Europe.
May bahay pala sina Philip sa may Chelsea area ng London.

Sinabihan na lang namin si Philip na mag-try kumuha ng visa for Gladys sa mga consulate ng bansang pupuntahan nila. Wala namang masamang mag-try.
Normally kasi ay sa home country ng isang tao dapat kumuha ng visa.

***

Naka-set na ang aming pag-uwi nang mabasa namin sa peryodiko na may concert si Ricky Martin sa Madison Square Garden ngayong Linggo (Oktubre 14). Sayang at matagal nang wala kaming balita sa Latin heartthrob. Balak yata nina Gladys manood. Sa Jersey rin pala naninirahan si Kim de los Santos na madalas makasama ni Gladys. Hindi na namin siya nakontak. Sa kasalukuyan ay maayos daw ang trabaho ni Kim sa isang medical office at okay raw ang boyfriend nito.

Ni Joe Barrameda

Rufa Mae, mahal pa rin si Erik!

Sa mga panayam kay Rufa Mae Quinto ay nababanggit nito na tila may chance na magkabalikan sila ni Erik Santos, pero kay Erik aniya dapat manggaling ang effort. "Actually, pinagplanuhan na namim dati na mag-usap kami. Kaya lang, hindi natutuloy, ewan ko kung bakit. "Kasi, hindi mag-meet ‘yung mga schedule namin para makapag-usap. Dati, naghahanap ako ng chance na magkausap kami, kaya lang parang laging walang time," reaksyon ni Erik sa posibilidad ng balikan nila ng ex-girlfriend.

Mahal pa ba niya si Rufa Mae? "Oo naman. Hindi naman ganu’n kadaling mawala ‘yun, eh!" sagot ng singer. "‘Pag meron kayong magandang pinagsamahan ng isang tao, hindi ganu’n kadaling mabura ‘yung nararamdaman n’yo sa isa’t isa. "Kasi, I may say na kahit one year lang ang pinagsamahan namin, maraming magagandang bagay akong natutunan sa kanya. And I hope, marami rin siyang natutunan sa akin."

May mga gusto ba siyang mabago kay Rufa Mae bago niya ito mahalin ulit? "Hindi naman ako naghahanap sa kanya ng kahit na ano. Kung sino siya, eh buong puso kong tinatanggap ‘yon.

Kaya lang, may mga bagay lang na hindi namin pinagkakasunduan. Kaya napag-aawayan namin kahit maliliit na bagay. "Pero para makakita ako ng bagong Rufa Mae, walang gano’n. Kasi, in the first place, minahal ko siya nang ganu’n siya. "Hindi ko hinahanap ‘yung mga gusto kong mangyari sa kanya, kasi iba naman ‘yung personalidad niya," paliwanag ng singer, na may solo concert sa Big Dome sa Oktubre 19 na pinamagatang Erik Santos Solo at the Coliseum.

Ni Allan Diones