Wednesday, October 17, 2007

Ugali ng young actress nakakapraning

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakatakas sa kanyang malungkot na nakaraan ang isang batang aktres. Madali namang maunawaan ang kan­yang emosyon, dahil sa napakabatang edad ay nakatikim agad siya ng mga hirap, nagka­roon ng trauma ang young actress sa masak­lap niyang naka­raan.

Yun ang dahilan kung bakit parang neon lights sa kalye kung magalit ang kanyang mood, minsang halos himatayin na siya sa katatawa, minsan naman ay para siyang namatayan sa sobrang pag­ka­lungkot kahit wala namang dahilan ang kanyang pagmukmok. “Napakahirap hulihin ng ugali ng batang yun, ikaw ang unang masisi­raan ng bait kapag naka­sama mo siya nang matagal, dahil pabagu-bago ang ugali niya, grabe ang mood swings ng ba­tang yun!” impor­masyon ng isang source.

Maraming nagsasabi na hindi rin makakakita ng boyfriend na pangmatagalan ang batang aktres na ito, dahil kapag nadis­kubre na ng lalaki ang kan­yang ugali, siguradong sa hiwalayan na ang tuloy nun. Kahit sa set ng ginagawa niyang pelikula ay mara­ming naloloka sa ugali ng batang aktres, kung minsan ay bumabantay siya sa mga eksenang kinu­kunan kahit hindi naman siya kasali, pero kung minsan ay nasa loob lang siya ng dressing room at ni hindi sumisilip sa labas.
“Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakaka-move on sa nangyari sa kanya nung bata pa siya, kaya nating pagbigyan yun, pero huwag naman sana siyang magpakulong sa nakaraan niya.
“Hindi naman lahat ng tao, e, makakaintindi sa past niya, paano kung sumpungin ding tulad niya ang matapatan niya, di nagrambol na lang sila?” sabi pa rin ng aming source.

Kung tawagin ng kanyang mga kasamahan ang young actress na ito nang palihim ay Simang, hindi yun ang kanyang palayaw, pero ang Simang ay kinu­ha nila sa salitang simangot dahil simangutera ang batang aktres na ito.

Kahit sa merkado ay ayaw natin sa mga tinde­rang nakasimangot, kahit sa restaurant ay ayaw natin sa waitress na simangutera, mas sumasarap ang pagkain kapag nakangiti ang naghahain ng ating inorder.

* * *

Sa mga kapapasok lang sa Bahay ni Kuya ay interesado kami sa mga rebelasyong pasasabugin ni Victor Basa. Ayon sa isang source na nakausap namin ay merong malungkot na bahagi sa buhay ng aktor, yun daw ang dahilan kung bakit kahit nakangiti na siya ay parang iiyak pa rin ang binata, Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 kaya nakatakdang ibunyag ni Victor Basa kung ano yun?

Pagkatapos naming marinig ang kuwento ay nabagbag ang aming damda­min, isa lang ang pangako namin ngayon sa aming sarili, kung text vote ang kaila­ngan ng binatang aktor para sa kanyang tagumpay ay handa kaming makipag-ubusan ng load.
Pramis yan.

* * *

Kami man si Aiai delas Alas ay maloloka rin kami sa mga bagong (luma) rebelasyon ni Snooky Serna kung bakit nito itinuturing na isa sa mga pinakaplastik na tao sa showbiz ang Comedy Concert Queen.

Kung si Aiai nga na mismong may pa-party nung dumalo si Snooky ay wala nang nata­tan­daan sa pangyayari, pero si Snooky ay nagma­marakulyo pa rin hanggang ngayon, dahil ginawa raw itong tanga at istupida ni Aiai sa kanyang selebrasyon.

“Nananahimik ako dito sa Amerika at nagso-show, naloka naman ako, dahil inirereklamo na pala ako ni Snooky,” reaksyon ni Aiai nang makarating ang pinaggagawa ngayon. “E, birthday party ko pala yun, natural, aligaga ako magdamag. Iisa lang naman ang katawan ko, hindi ko naman puwedeng babaran sa kuwentuhan ang ilang tao lang, dahil ako ang host ng party. “Kundi ko man siya naasikasong mabuti noon, e, nagso-sorry ako sa kanya, pero sa totoo lang, ni wala na nga akong matandaang ganun, e!” tumatawag paliwanag ni Aiai.

Anu-ano pa kayang mga kuwento ang hahalukayin ngayon ni Snooky sa baul ng kanyang alaala para lang mapag-usapan ito, meron pa kaya, para lang sa ngalan ng publisidad na dispalinghado naman?


Ni Cristy Fermin

No comments: