Wednesday, October 17, 2007

Anak sa labas ni Bong tanggap ni Lani Mercado

Agaw-pansin ang anak nina Jolo Revilla at Grace Adriano na si Gab sa debut ng little sister ng una na si Inah Revilla last October 13 sa One Esplanade sa Pasay City. Makulit ito, kung saan-saan tumatakbo, kaya nakasunod at nakabantay din ang kanyang Daddy Jolo.

Pagdating sa nanay ng bagets na si Grace, come what may ang attitude ni Jolo. “I’m not closing my doors,” aniya. Inamin sa amin ni Jolo na he still loves Osang’s daughter. “Mahal ko pa rin si Grace. Nami-miss ko siya. Syempre, lalo na may anak kami. Bata pa naman kasi kami. Pero malay natin.”

Dumalo rin sa naturang debut ang half-brother nina Jolo na si Luigi. Fifteen years old ito at parang spitting image ng tatay niyang si Sen. Bong na moreno. “Matagal na naming alam ‘yung tungkol sa kanya,” kuwento ni Jolo. “In fact, close siya sa amin, lalo na sa akin. Kasama namin siya du’n sa Boracay trip ng pamilya last Holy Week.” True enough, halos buong gabi nga ay nakaakbay si Jolo sa kanyang kapatid. Ayon pa rin kay Jolo ay nagkaroon ng heart-to-heart talk silang tatlo ng kanilang Kuya Brian (Revilla).

Sina Jolo rin ang nagpaalam sa mommy ni Luigi para makadalo ito sa debut. Nagkayayaan pa nga ang magkakapatid na magpunta sa Embassy Bar kaya lang ay past 3:00 a.m na natapos ang party kaya hindi na sila tumuloy. Narinig naming nag-dialogue si Lani Mercado na may himig pag-aalala: “O, baka magalit ang mommy ni Luigi, ha.” Sa Sofitel Hotel sa Roxas Boulevard kung saan naka-check in ang buong Revilla family na rin natulog si Luigi.

Ni Francis Simeon

No comments: