Mukhang lalabas na pinaka-magandang kabanata ng Enteng Kabisote itong ginagawa ngayon para sa MMFFP ‘07. Bagaman kasi at marami ring aksyon sa nasabing movie, may heart ito dahil magbabalik tanaw sa mga unang taon ni Enteng Kabisote, nung bago pa lamang sila namumuhay bilang mag-asawa ni Faye (Kristine Hermosa ngayon) at maliit na bata pa si Aiza Seguerra. Nawawala kasi ang memorya ni Enteng sa latest episode.
Ayaw ni Vic Sotto sabihin kung magkano na ang budget ng ikaapat na episode ng Enteng Kabisote. Sinabi lang niya na “Mas mahal ito kesa sa Enteng last year na may budget na P40M.”
Ang finale scene ay magaganap sa lungsod, sa pagitan ng nagtataasang mga gusali. Makukwenta n’yo na kung magiging gaano kamahal ang pelikula na magtatampok sa mga bagong kalaban ni Enteng tulad ng magkapatid na Ian at Kenneth de Leon, Ian Veneracion at si Francine Prieto na pinalitan na si Bing Loyzaga bilang major kontrabida ni Enteng.
Pagkatapos ng Enteng Kabisote 4 ay malamang na isunod na ni Vic ang shooting ng pelikulang pagsasamahan nila ni Dolphy. Pagtutulungan ito ng MZET, MPT at RVQ Productions. Kung suswertihen ay baka sina Pia Guanio at Zsazsa Padilla ang makatambal nilang dalawa for a May playdate.
No comments:
Post a Comment