Paano kaya maitatanggi na na man nina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa na nakitang nanood sila ng sine sa Glorietta 4 last Tuesday night?
Ang taong nakakita sa kanila ay may kunek syon sa dalawa na kaibigan din namin kaya’t naniniwala kami sa tsikang ito.
Nakasisiguro kami na aaminin ng Prinsesa Ng Banyera na totoong lumalabas sila ni Oyo Boy, pero hindi niya aaminin ang relasyon dahil kesyo mahal pa niya si Diether Ocampo.
E, mahal pala, bakit nakikipag-date na siya sa ibang lalaki?
Ayaw din naming isiping promo ito para sa Enteng Kabisote dahil magkasama sina Kristine at Oyo pero bakit sa last full show na sila nanood, so ibig sabihin ay itinatago nila ang pagdi-date nilang ito?
Anyway, tutal hindi naman namamatay ang tsikang may namumuong relasyon kina Oyo at Tintin, bakit hindi na lang sila bigyan ng show sa Dos para naman magkaroon ng saysay ang relasyon nila?
Ni
No comments:
Post a Comment