Isa pala si Gretchen Barretto sa talent ng Backroom, Inc ni Boy Abunda at aware siya sa mga naglabasang scandalous pictures na naman ng aktres sa internet kasama ang hindi kilalang lalaki na kumakain sa isang restaurant at panay ang bulungan.
Ayon mismo kay Boy ay, “Oo nga, eh. Hindi na natapos, actually, ad campaign ‘yan ng shampoo commercial ni Gretchen, so hindi ko na kontrolado ‘yun because it’s the ad agency who’s responsible for it.” esplika sa amin ng TV host at endorser ng Nikon Home Appliances.
Nabanggit namin na hindi kaya makasama na naman ito sa imahe ni Gretchen at ano na naman kaya ang reaksyon dito ng live-in partner niyang si Tony Boy Cojuangco?
“I don’t know, bahala sila d’yan, hindi ko rin alam ‘yun. Well, siguro maiintindihan na naman siguro ni Tony Boy ‘yun, ad campaign naman ‘yun,” dagdag katwiran pa.
Samantala, natawa kami kay Boy dahil lagpas na sa bilang ng mga daliri niya sa ka may at paa ang mga produktong ini-endorso niya at latest nga ang Nikon Home Appliance at aminado siyang blessings lahat iyon dahil hindi na raw ganu’n kahigpit ngayon ang mga ad agency na kumukuha ng serbisyo niya gayun alam kung ano ang sexual preference niya.
“Before kasi, medyo mahigpit sila sa personalidad ng tao sa pag-endorse ng produkto, now, nawala na ‘yung ganu’n connotation, so I’m blessed talaga,” masayang esplika sa amin ni Boy.
Kaya ang ipamimigay daw niya sa mga mamamasko sa kanya ay mga produktong iniendorso niya.
Ni Regge Bonoan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment